Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Live-in partners pinagbabaril sa kuwarto, babae patay

042624 Hataw Frontpage

PATAY ang 39-anyos ginang habang sugatan ang kaniyang live-in partner nang pagbabarilin habang natutulog sa kanilang kuwarto ng kanilang kapitbahay sa  Quezon City, ayon sa ulat nitong Huwebes.

Kinilala ang napaslang na si Roselle Navalta, 39, habang sugatan ang live-in patner niya na si Richard Casuga, 41, kapwa nakatira sa Tandang Sora Avenue, Brgy. Tandang Sora, Quezon City.

Patuloy pang tinutugis ang suspek na kinilalang si Paolo Yanguas, alyas Pao-Pao, 27, residente sa General Ave., Brgy. Tandang Sora, QC.

Sa naantalang report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU- QCPD), bandang 2:20 am nitong nakaraang Sabado, 20 Abril, nang maganap ang insidente sa  tahanan ng mga biktima sa nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon ni P/MSgt. Alvin Quisumbing, mahimbing na natutulog ang live-in partners nang pumasok ang suspek sa loob ng kanilang bahay at pinagbabaril ang mga biktima.

Matapos ito ay agad na tumakas ang suspek patungo sa hindi matukoy na destinasyon dala ang armas na ginamit sa krimen.

Kapwa isinugod ang mga biktima sa Quezon City General Hospital ngunit bandang 8: 22 pm noong Linggo, 21 Abril, ay binawian ng buhay si Navalta.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng nangyaring pamamaril. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …