Sunday , December 22 2024
Ice Seguerra

Ice ‘bakaw’ sa mic sa videoke; gustong-gustong kantahan, i-please ang audience

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TAWANG-TAWA kami sa kuwento ni Liza Dino-Seguerra ukol kay Ice Seguerra kung anong klaseng singer ito kapag videoke na ang usapan.

Ibinuking ni Liza, CEO ng Fire and Ice Live  na si Ice ang tipong kapag nakahawak na ng mic kapag nagvi-videoke hindi na bibitawan.

Katulad din si Ice ng ilang videoke enthusiasts na kapag nasimulang kumanta, ‘bakaw’ na sa mic o iyong ayaw nang pakantahin at ibigay sa iba. Sosolohin na ang mic kumbaga.

Napag-usapan ang hilig sa pagkanta ni Ice sa media conference ng kanyang first major concert ngayong 2024, ang Videoke Hits na gaganapin sa Music Museum sa May 10 at 11, 2024

My favorite pastime is singing talaga. Mayroon pa kaming sariling portable videoke machine na dala ko kahit saan. Sa tuwing gusto kong mag-destress, ang kailangan ko lang ay maghanap ng mic, pumunta sa Youtube para sa lyrics, solve na,” ani Ice.

Naku si Ice ‘pag nasimulang kumanta dire-diretso na. Wala ng makakahawak ng mic,” natatawang kuwento ni Liza.

Naibahagi rin ni Ice na means of bonding nila noon ng kanyang tatay ang pagvi-videoke.

Sa mga show o concert nga ni Ice, lumalampas o sumosobra kami sa oras kasi gustong-gusto niya ang kumanta,” pagbabahagi pa ni Liza.


Ang Videoke Hits ay para sa lahat ng mga mahihilig mag-videoke o karaoke na pwedeng maki- jamming ang lahat ng nasa audience.

Sa concert ay makikita ang husay ni Ice sa stage na may karaoke vibe, at nagbibigay-daan sa mga fan na maranasan ang kanilang mga paboritong hit na may twist na for sure si Ice lang ang makagagawa.

Mula sa mga classic ballad hanggang sa mga sikat na sikat ngayong chart-toppers, ang setlist ay magtatampok ng magkakaibang choice ng kanta na pinili ng kanyang mga tagahanga.

Bago naitakda ang videoke concert ni Ice,  nagtanong muna ito sa pamamagitan ng kanyang social media pages kung ano-anong songs ang gustong-gustong kinakanta ng mga netizen sa videoke.

At ilan sa mga lumabas na kanta na most requested kumbaga sa ginawang polls ay ang mga kantang You’re Still The One, Build Me Up Buttercup, Torete, at I love You Goodbye.

One trivia about me ‘pag nagbi-videoke ako, I don’t want to sing my own songs kasi feeling ko, trabaho. So sa videoke ko inilalabas ‘yung mga paborito kong kanta na hindi ko makanta sa shows.

From birit songs to Broadway to just about anything. Kaya naman sobrang excited ako sa ‘Videoke Hits’ because I get to sing and perform my favorite videoke songs and share it with my fans, of course with the Ice twist,” sabi pa ni Ice.

Nabuo nga paka ang konseptong ito dahil nakita ni Liza kung paano nag-eenjoy si Ice habang nagvi-videoke kasama ang mga kaibigan nila.  

It was my concept pero pinag-uusapan namin lahat. Kasi nakikita ko talaga siya eh. Sabi ko nga sana love nakikita ng mga tao kung pano ka mag-videoke kasi I have this recording of Ice with our friends na nagvi-videoke siya kasama ‘yung mga friend namin, I would love for the audience to see the raw Ice. Hindi ‘yung set up. May portable mic pa ‘yan, may videoke portable machine kami. 

“So i feel parang si Ice kasi andoon na sa he really wants to get in touch with the fans kasi after having ‘Becoming Ice’ (concert ni Ice last year sa Solaire na umikot din sa maraming lugar sa ‘Pinas) ang laki niya masyado and ang tagal din niyang hindi nakapag-concert after that Luzon, Visayas, Mindanao, napagod siya. 

“Sabi niya, ‘Love gusto kong bumalik sa intimate. Kaya itong two days kasi ayaw niyang Solaire. Ayaw niyang malaki. Gusto niya intimate with the fans. ‘Yung parang sa bar na nakikipag-usap lang siya sa fans. And I pitch this to him na nagustuhan naman niya. Kaya eto na,” sabi pa ni Liza na siyang creative director ng concert.

At kung tinatanong nyo kung may guests si Ice sa kanyang show? Ito ang sagot ni Liza, “Si Ice mag-i-special guest? Eh ayaw niya ngang pakantahin mga guest niya, adik (sa pagkanta),” tawang-tawang pagbabahagi pa ni Liza.

“He really loves to sing. Gustong-gusto niya na pini-please niya ang audience niya. Tuwang-tuwa siya, nabubuhayan siya kapag nagugustuhan ng tao ang kanta niya,” dagdag pa ni Liza.

Kaya nakatitiyak kaming mag-eenjoy ang sinumang manonood ng Videoke Hits sa Music Museum sa May 10 at 11. Kaya gets  na kayo ng tickets sa Ticketworld: VVIP: ₱7210; VIP: ₱5150; Orchestra Side A: ₱3605; Orchestra Side B: ₱2060; Balkonahe: ₱1545; Mga Add-On: 

Soundcheck Experience ₱2000, Meet & Greet Ice ₱1500.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …