Saturday , November 16 2024
Rose Van Ginkel

Rose Van Ginkel ‘di na maghuhubad

RATED R
ni Rommel Gonzales

MAHIGIT isang taon na pala mula noong mapanood sa isang seksing pelikula ng Vivamax (ang Kitty K7) si Rose Van Ginkel.

Sa bagong six-part mini-series ng Viva One na Sem Break ay hindi magpapaseksi si Rose.

Pahayag ni Rose, “Actually, hindi ko naman siya kinu-close pero gusto ko kasi mag-explore. Parang sa iba naman, especially the genre.

“Hindi ko siya totally kinu-close kasi part pa rin ‘yon ng acting and ang dami ko rin

natutunan habang nandoon ako sa Vivamax.

“Kasi they allow us to explore ‘yung characters na ibinibigay sa akin kaya sobrang malaking bagay talaga ‘yung panahon na naghubad ako.”

Iba ang saya ni Rose ngayong hindi siya maghuhubad sa harap ng kamera.

Lahad niya, “But of course, sobrang saya ko dahil this year, pinayagan ako ng Viva na gumawa ng projects outside Vivamax, which is nasobrahan naman.

“I think in two months, nakatatlong project ako, which is ‘Lumuhod Ka sa Lupa,’ ‘Sem Break,’ at ‘Men Are From QC, Women Are From Alabang.’

“Sobrang thankful ako pero hindi ko naman sinasabi na hindi na ako magpapaseksi, I’m sure siguro right projects lang ang inaantay ko.”

Ang Sem Break ay pagbibidahan nina Jerome Ponce at Krissha Viaje at magsisimula ang streaming sa Viva One sa May 10 at mapapanood tuwing Biyernes.

Kasama rin dito sina Aubrey Caraan, Hyacinth Callado, Gab Lagman, Keann Johnson, Dani Zee, at Felix Roco, sa direksiyon ni Roni S. Benaid.

About Rommel Gonzales

Check Also

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …