Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kim Chiu Paulo Avelino Kylie Verzosa 2

Halikan nina Paulo at Kylie ikaseselos ni Kim

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

MAY kemistri naman sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa as proven by their latest starrer na Elevator.

‘Yun nga lang, dahil mas identified ngayon si Paulo kay Kim Chiu, “bawas-kilig” sa mga makakapanood ng movie ang maganda nilang rehistro on screen.

Don’t get us wrong, pero puwede naman talagang itambal si Paulo kahit kanino, mapa-girl man o kahit sa BL siguro dahil angkin nga ng aktor ang mahusay na pagganap at appeal.

Sana lang talaga ay naihihiwalay ng fans nila ang mga ganitong senaryo para hindi naman malimita ang versatility ng kanilang idolo sa pagtanggap ng roles, sa movies man o TV.

Speaking of Elevator, ano kaya ang reaksiyon ni Kim na nanood ng red carpet premiere ng movie kasama sina Pau at Kylie? 

Todo support si Kim sa movie ni Pau at talagang may-i-endorse pa ito sa mga naki-Marites na mga manonood.

Sa movie kasi ay may mga eksenang halikan ang mga bida at dahil feeling namin may kalandian ang direktor ng film, talagang binigyan niya ng close-up ang “ngangang bibig at nakabukang labi” nina Pau at Kylie para siguro makuha ang tamang emosyon sa istorya.

Kaya marahil pasulyap-sulyap si Pau sa likod niya kung saan nakaupo si Kim na para bang sinasabi nitong, “eksena lang iyan, wala lang iyan.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …