Sunday , December 22 2024
Ysabelle Palabrica

Aspiring singer mula IloIlo inilunsad unang single

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MAGMAMARKA tiyak ang aspiring singer na si Ysabelle Palabrica, 15, sa pagtupad ng kanyang pangarap na maging isang kilalang mang-aawit sa bansa. Sa bonggang suporta ng kanyang mga magulang, isang bonggang launching din ng kanyang unang single, ang Kaba, ang naganap kamakailan sa Music Box sa Quezon City.

Ang Kaba ay isinulat ng award-winning na kompositor na si Vehnee Saturno, na siya ring sumulat ng Be My Lady ni Martin NieveraAriel Rivera‘s Sana Kahit Minsan, at Ella May Saison’s Till My Heart Ache Ends. Si Saturno mismo ang producer ng single at nai-post niya ang recording ni Ysabelle sa YouTubeFacebook, at iba pang social media outlet ng kanyang recording company noong Abril 1 (2024).

Si Ysabelle ay anak ni Mark Palabrica, alkalde ng bayan ng Bingawan sa mataas na progresibong lalawigan ng Iloilo. Ang kanyang ina (JeAn Magno Palabrica) ay may-ari at tagapangasiwa ng isang pribadong paaralan na kilala bilang Centerphil Montessori na may mga Campus sa Iloilo at Bacolod City.

Noon pa man ay may magandang boses sa pagsasalita si Ysabelle, na nag-udyok sa kanyang ina na maniwala na ang kanyang anak ay posibleng matupad  ang pinapangarap na maging magaling na mang-aawit. In-enroll siya ng kanyang ina sa isang workshop para sa pagkanta, at natuklasan ni Ysabelle na, talagang marunong siyang kumanta. At magaling ding sumayaw.

Pagkaraan ay dinala si Ysabelle ng kanyang ina sa Manila para maka-attend ng mas maraming workshop sa pagkanta at matutong makihalubilo sa iba pang mga kabataang may katulad na interes para maging public performer.

Naimbitahan si Ysa na sumali sa teen groupna Krazy-X na inorganisa ng talent manager na si Audie See. Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa direktor na si Obette Serrano, naglagay sila ng isang palabas sa YouTube na Krayz-X.

Iparirinig ni Ysabelle ang bersiyon niya ng Kaba na inilunsad sa isang media event noong Abril 17 sa Music Box. Ito ay isang cover (bersyon) dahil ang kanta ay nai-record noon ni Tootsie Guevarra.

Pagkaraan ng ilang araw na media launch, si Ysabelle at iba pang miyembro ng Krazy-X ay naging guest sa isang major OPM concert, Noon at Ngayon, sa New Frontier theater sa Cubao, QC noong Abril 21. Ang all-OPM show ay pinangunahan nina Hajji AlejandroRachel Alejandro, at Gino Padilla. Kasama rin sina Male Rigor ng VST & Company, Carlo Parsons, at Pete Galera ng Hagibis, Nitoy Malillin ng AbracadabraJohn Raymundo ng Tawag ng Tanghalan, Edwin Cando ng Tawag ng KampeonGeoff Taylor, Mia Japson, Arabelle de la Cruz, Rachelle Gabreza, at Krayz-X Dancers.

Ang Bingawan ay matatagpuan sa pinakapuso ng Panay Island sa Roxas City.

Si Ysabelle ay nagmuma sa Plagata Clan na namumuno sa naturang bayan sa loob ng halos 6 na dekada mula nang ito ay itinatag noong 1969 kasama ang lolo niyang si Victor (ama ng ina ni Mayor Mark bilang tagapagtatag at unang alkalde hanggang sa huling bahagi ng 1980s, na sinundan ni Zafiro Palabrica.

Si Matt Palabrica, nakatatandang kapatid ni Mayor Mark, ay naging alkalde rin ng bayan sa loob ng tatlong termino at nahalal bilang Numero 1 Provincial Board Member ng buong lalawigan ng Iloilo.

Nagsimula ang political career ng kanyang ama noong 1996 bilang presidente ng Sangguniaan Kabataan ng munisipyo. Naging bise alkalde siya sa kanyang nakatatandang kapatid sa loob ng siyam na taon at unang nahalal na alkalde noong 2016 at muling nahalal na walang kalaban noong nakaraang 2022.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …