Sunday , December 22 2024

Puganteng Chinese arestado sa ilegal na pag-iingat ng baril

INARESTO ng pulisya ang isang Chinese national dahil sa kasong illegal possession of firearms sa Zaragoza, Nueva Ecija, Lunes ng hapon, 22 Abril.

Dinakip ng Zaragoza Municipal Police Station katuwang ang ibang law enforcement units, si Zhi Jun Li, 44 anyos, kilala rin bilang Samuel Li, negosyante at residente sa Barangay Del Pilar, Zaragoza, Nueva Ecija.

Nahaharap ang akusado sa kasong paglabag sa RA 10591 na ang warrant of arrest ay inisyu ni Judge Ana Marie Co Joson-Viterbo, Presiding Judge, Regional Trial Court (RTC) Branch 24 sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Napag-alamang nakalista si Li bilang isa sa most wanted persons (MWPs) ng Zaragosa Municipal Police Station.

Kaugnay nito, sinabi ni PRO3 Director P/BGen. Jose S. Hidalgo, Jr., “Ito ay nagpapakita na ang Rehiyon 3 ay hindi ligtas na kanlungan para sa mga kriminal maging ang mga dayuhang pugante at ang buong pulisya ay nagtatrabaho 24/7 upang panatilihing ligtas ang ating mga komunidad mula sa lahat ng mga taong pinaghahanap at may dapat pangutan sa batas.”

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …