Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo.

As a Sparkle artist, talagang pinaghandaan ng kanyang management outfit ang pag-introduce sa kanya formally sa society ‘ika nga.

Kuwelang-kuwela kami roon sa pagsayaw nila ni Gio Alvarez na minsan niyang naging tatay sa isang GMA 7 series.

Naroon din ang kanyang tatay na kahit alam ng public na matagal ng hiwalay sa kanyang mommy at may pamilya ng iba ay may harmonious relationship sa kanila.

In fact, swak na swak nga ang blended family set up nila dahil kahit solong anak si Sofia ay never nitong itinuring na half sibling ang mga kapatid sa ama.

Of course, ang ka-tandem niyang si Allen Ansay ang biggest supporter niya at ika-18th dance after her father.

Larawan nga sila ng tunay na magkaibigan at nag-care sa isa’t isa.

Noong minsan nga naming makatsika si Sofia, tinuran nitong komportable siya kay Allen.

Na madalas itong pumupunta sa house nila ng kanyang mommy at nagagawa nitong tumulong sa mga gawaing bahay lalo na ‘yung mag-alaga sa pet dog nila.

Viral nga ang brand new car ni Sofia na regalo niya sa sarili.

Happy birthday sa iyo Sofia!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …