COOL JOE!
ni Joe Barrameda
ISANG payat na binatilyo si Ruru Madrid nang pasukin ang mundo ng showbiz nang mapansin at inalok ng namayapan direktor na si Maryo J delos Reyes.
Nilisan ni Direk Maryo ang mundo at nagtuloy-tuloy naman ang showbiz career ni Ruru under the guidance ng noon ay GMA Artist Center na nayon ay GMA Sparkle.
Sa mga lumipas na panahon hangang sa kasalukuyan ay malayo na ang narating ni Ruru at naging matagumpay ang kanyang acting career at saksi ang mga magaganda at matagumpay na proyektong ibinigay sa kanya ng GMA mula Encantadia, Lolong at ngayon ay Black Rider na nakikipagsabayan sa Batang Quiapo ng ABS-CBN.
Marami ang tumututok sa serye ni Ruru hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa iba’t ibang parte ng mundo na may GMA Pinoy TV. Tuloy-tuloy ang blessings ni Ruru na kamakailan ay nakatanggap ng isang special recognitin mula sa New York Festival Films ang TV Awards ang serye niya.
Nasungkit ng Black Rider ang isang Bronze Medal sa Entertainment Program, Drama Category. Ibinahagi ni Ruru ang recognition sa mga unsung heroes at mga Pinoy na humaharap sa liffe challenges. Kaya bongga ang serye at pang international na.
Kaya tuloy-tuloy pa rin ang laban ni Ruru sa mga underworld characters.