ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
AMINADO si Quinn Carrillo na tumigil siya sa pagpapa-sexy sa pelikula.
Kaliwa’t kanan kasi ang pinagkakaabalahan niya ngayong proyekto. Sa pelikula, bukod sa artista si Quinn, siya ay writer din at lately ay AD na rin or assistant director.
Esplika ni Quinn, “It’s a career move to lay low for a while and were also choosing ‘yung mga materials before doing it. Nandoon na po tayo sa part na iyon, ako I love doing films, sa akin okay lang naman po…
“Pero siyempre kailangan kong sumunod sa aking management. They know what’s best for me, ako po ay tagasunod lang.”
Bukod sa pelikula, abala si Quinn sa drama series nilang Asawa Ng Asawa Ko sa GMA-7, starring Rayver Cruz, Jasmine Curtis, at Liezel Lopez.
Nagpasalamat din si Quinn sa ibinigay sa kanyang opportunity na maging Assistant Director (AD) sa pelikulang Dayo, na streaming na ngayon sa Vivamax.
Aniya, “Actually, I was very fortunate to be offered as the assistant director ni Direk Sid (Pascua). So rito po ay mas nag-focus ako as the assistant director and I was helping the casts with their love scenes, with their roles.
“Siguro po ano, kasi po I really like working behind the camera. I like working in front, pero iba rin po kasi ‘yung feeling na in front ka at iba rin po ‘yung feeling na ka-bonding mo ‘yung buong crew. Sobrang saya, parang it’s another world that you’re into.
“So, rito po ay mas nag-focus ako talaga in helping with the actors.”
Sa pelikulang Dayo, bukod sa siya ang sumulat ng screenplay ay AD si Quinn sa pelikula, na-challenge ba siya rito, na-pressure or nag-enjoy sa kanyang new role as AD?
“Nag-enjoy po akong mag-dictate sa artista, hindi joke lang po!” Nakangiting bulalas ni Quinn.
Pagpapatuloy niya, “Nag-enjoy ako kasi, as assistant director, mas na-explore ko po iyong creative side. Kasi iba ‘yung creative kapag actor ka, like you can choose, may mga choices ka… pero siyempre it all comes down kapag… would it work on the scene, would it work with the director? Hindi ba?
“Dito naman, mas collaborative effort, kasi you’re working with everybody, lalo na kapag AD ka. Tinuturuan po ako nina Direk JM, Direk Sid, like the AD is the gateway of every department to the director.
“So, lahat kausap mo, lahat ka-communicate mo. Ang saya-saya niya, kasi I really love working with people, nakikita ko ‘yung mga inputs nila na dati ay hindi ko naman nagagawa. Kasi hindi ba kapag artista ka, medyo pampered ka, nasa tent ka lang, ganyan.
“Dito, mas nasa labas ka, mas on the go ka. So, ang saya, tapos nandoon sa part na pinag-uusapan namin na, ‘O dito gagawin ‘yung scene, dito-dito… ‘yung ganyan-ganyan.’ So, parang mas na-push ako, creative wise.
“So, I really enjoyed it kahit na first time ko pa lang po. And I’m really fortunate dahil sobrang laking tulong po nina Direk Sid, direk JM as may mentor sa first time kong mag-AD,” mahabang pahayag ni Quinn.
Bukod sa Dayo na tinatampukan nina Rica Gonzales, Audrey Avila, Marco Gomez, Nathan Rojas, at Calvin Reyes, katatapos lang din gawin ni Quinn ang pelikulang Hiraya at Die Father, Thy Son, starring JC Santos.
Hinggil naman sa TV series na Asawa Ng Asawa Ko, thankful si Quinn na maging part ng casts nito.
Mas kilala na nga siya ng mga suking viewers ng TV series nila sa GMA-7 as Leslie, na siyang character na ginagampanan niya rito.
Aniya, “So, nakatutuwa po and at the same time, ine-enjoy ko lang po ‘yung work ko.
“Ang ganda po ng opportunity na nakatrabaho ko ang mga artista sa GMA, tapos si Direk Laurice (Guillen) pa (ang direktor). Ang dami ko pong natututuhan kay Direk, kaya ine-enjoy ko lang po. Ina-absorb ko as much as possible ‘yung mga natututuhan ko kay Direk Laurice po.”
Iyong paglabas ba niya sa TV ay tuloy-tuloy na ito? “Sana po, kung ibibigay,” nakangiting sambit pa ni Quinn.