RATED R
ni Rommel Gonzales
MABIGAT ang eksenang hinarap ni Sparkle artist Angel Leighton sa kanyang role bilang Master Sergeant Pretty Competente sa season 2 ng action-comedy series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.
Sa recent episode ng serye, nawalan ng malay si Msgt. Pretty Competente matapos masabugan sa isang katakot-takot na hit-and-run. Halos ‘di mapigilan ang iyak ni Tolome (Sen. Bong Revilla) habang tumatawag ng ambulansya para kay Msgt. Pretty. Sa kasunod na eksena, makikitang ang salarin pala ay isang traydor mula sa pinakamalapit na mga tauhan ni Tolome.
Ito na ba ang huli para kay Msgt. Pretty Competente? Abangan ang iba pang mga pasabog na eksena ng action-serye tuwing Linggo, 7:15 p.m. sa GMA Network.