Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Elle Villanueva Derrick Monasterio Kristoffer Martin

Anak ni Elle Villanueva sino ang ama?

RATED R
ni Rommel Gonzales

#TeamAlex o #TeamSeb ba kayo?

Kasing init ng summer ang palitan ng kuro-kuro ng mga marites na netizens at viewers kung sino nga ba ang ama ng anak ni Amira (Elle Villanueva) sa revenge drama na Makiling.

Ngayong nabunyag na buhay pala ang anak ni Amira, bukod sa nasaan ito ay isa pang tanong ang bumabagabag sa Makiling viewers: Sino ang ama?

Automatic daw na si Alex (Derrick Monasterio) ito para sa #TeamAlex dahil siya naman ang nobyo noon ni Amira bago pa man nalagay sa panganib ang buhay ng ating bida. 

Pero siyempre ‘di patatalo ang #TeamSeb. Dahil na rin nga ilang ulit pinagsamantalahan ni Seb (Kristoffer Martin) si Amira noon, may teorya ang Seb-Amira shippers na siya ang naging ama ng ipinagbuntis ni Amira.

Bukod sa paghanga ng viewers sa ipinakikitang akting ni Elle sa kanyang serye, tila marami rin ang kinikilig sa chemistry nina Elle at Kristoffer ha! Wish nga ng ilan, sana raw may next project sila together na sila ang magkapares. Naku, ano naman ang masasabi ng #TeamAlex dito? 

Patindi na nga nang patindi ang episodes, na patuloy na namamayagpag sa GMA Afternoon Prime. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …