Sunday , December 22 2024
Beaver Magtalas Maxine Trinidad Mutya Orquia Gabby Ramos

Beaver nilinaw ‘di namamangka sa dalawang ilog: Mutya at Maxine parehong kaibigan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI po ako namamangka sa dalawang ilog.” Ito ang iginiit ni Beaver Magtalas kasunod ang tsikang tinuhog at pinagsabay niya sina Mutya Orquia at Maxine Trinidad, mga leading lady niya sa pelikulang When Magic Hurts handog ng Rems Films.

Lumabas ang tsikang ito nang maging promdate ni Beaver si Maxine sa katatapos na Junior-Senior Prom ng kanyang school, ang College of Immaculate Concepcion sa Nueva Ecija. Nali-link din si Beaver kay Mutya na naging prom date naman niya sa Star Magical Prom noong Marso.

Kaya agad inurirat si Beaver ng entertainment press na dumalo sa special screening ng kanilang pelikulang When Magic Hurts na ginanap sa SM Cinema 3 North Edsa kung bakit hindi si Mutya ang isinama niya sa JS prom sa school.

Nangingiting tugon ni Beaver, “Si Maxine po, I asked her to be my prom date nitong well, a couple of days ago since I wanted her to see Nueva Ecija as well. Kasi si Mutya po, we’ve been going to Nueva Ecija quite often na and I also wanted Maxine to experience and see the beauty of Nueva Ecija, my province. And gusto rin po actually ng mga friends ko na ma-meet siya.”

Iginiit din ng gwapong binata na pareho niyang kaibigan sina Mutya at Maxine.

Sinabi rin ni Beaver na hindi siya namamangka sa dalawang ilog dahil magkakaibigan silang tatlo.

Mga bata pa rin daw sila para isipin ang pakikipagrelasyon o pagliligawan. 

Ukol naman sa love triangle, totoong mayroon nito sa kanilang pelikulang When Magic Hurts pero sa totoong buhay, wala.

Wala po. Friends po kaming tatlo. I can confidently say that po na talagang ‘yung bond po namin because of this movie is super-pure and talagang super-different po from any other friendship that other people have.

“Kasi nag-lock in kami and we got to spend a lot of time together and I feel like ‘yun po ang talagang nagpa-close sa amin sa isa’t isa and even after that nga po, we still hang out. So, hindi po nawawala ang pagiging close naming tatlo,” paliwanag pa ni Beaver na nagpakita ng husay sa pag-arte sa kanilang pelikula.

Sobrang saya naman ni Beaver na maipalalabas na sa Mayo 22 ang kanilang pinaghirapang pelikula, ang When Magic Hurts.

Kuwento ng batang aktor, marami silang hinarap na challenges habang ginagawa ang pelikula last year sa Atok, Benguet kabilang ang napakalamig na klima at super-typhoon.

I’m overwhelmed with emotion pero all in all po, I’m overwhelmed with joy and excitement po talaga na ito na. Andito na, makikita ko na rin po kasi I haven’t watched it po, eh. Ngayon ko lang din po makikita kasabay ninyong lahat.

“So, I’m really excited and hopefully I receive good feedback but of course, I’m also requesting po sa mga tao to critic me para po matutunan ko po ‘yung mga kailangan ko pong i-improve,” sabi pa ni Beaver na hindi nagpahuli ng aktingan sa mga beteranong aktor na sina Dennis Padilla, Angelica Jones at may special participation si Claudine Barretto.

Kaya kung gusto ninyong mainlab at makita ang ganda ng Atok, Benguet tamang-tama ang pelikulang ito sa inyo.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …