“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang tagumpay ay hindi lamang nakikita sa medalya, sa maiuuwing premyo o sa tropeo na inyong nakamit. Sinasalamin din natin ang masasayang alaala at mga kaibigang mabubuo ninyo sa kompetisyong ito. Enjoy every game, give it all—win or lose!”
Ito ang makahulugang mensahe ni Bulacan Governor Daniel Fernando nang kanyang pangunahan ang pagbubukas ng seremonya ng unang season ng Bulacan University and Collegiate Athletic Association (BUCAA) kasama si Vice Governor Alexis C. Castro at ang Provincial Youth, Sports and Development Office na ginanap sa Baliwag Star Arena, City of Baliwag, Bulacan kamakalawa.
Nagpapasalamat sa mainit at masigasig na pagsisimula ng BUCAA, pinaalalahanan ni Fernando ang mga kalahok na binubuo ng 32 kolehiyo at unibersidad, dapat hawakan ang sports nang may passion at sinseridad at ibigay ang kanilang pinakamahusay na pagsisikap sa mga darating na laro.
Nauna rito, nagpasalamat ang Gobernador sa Panginoong Diyos, dahil sa kabila ng pagkaantala ng BUCAA dahil sa pandemya, ay nakabuwelo ang pamahalaang panlalawigan ng Bulacan para muli itong ilunsad.
“Naiskong purihin at pasalamatan ang ating Panginoong Diyos sa katuparan ng makabuluhang araw na ito. Kasabay ng pag-unlad ng ating lalawigan, tayo ay nabibigyan ng pagkakataong makapagbigay ng maraming pagkakataon para sa ating mga kababayan, tulad ng ating pagtitipon ngayon, na nagsusulong ng kahalagahan ng palakasan, paghubog, kamalayan, at mabuting pag-uugali ng ating mga kabataan. Ang suporta na natatanggap namin mula sa BUCAA ay nagpapainit sa aming mga puso. Ngayon, mayroon tayong sports competition sa collegiate level na maipagmamalaki.”
Samantala, para sa opening cheerdance competition ng BUCAA, ang Polytechnic University of the Philippines – Sta. Maria Campus ang nakasungkit ng titulong kampeon, nakakuha ng grand prize na P200,000, isang tropeo, at mga indibiduwal na medalya.
Kabilang sa iba pang kilalang koponan ang Bulacan State University – Meneses Campus sa unang puwesto na may P150,000 at isang tropeo; Dalubhasang Politekniko ng Lungsod ng Baliwag sa ikalawang puwesto na may P100,000 at isang tropeo; at Academia de San Lorenzo Dema-Ala, Inc., 3rd place na may P60,000 at trophy.
Binigyan din ng mga espesyal na parangal ang Richwell Colleges na nagwagi ng Best Uniform for Basketball Team at Polytechnic University of the Philippines – Sta. Maria Campus na nanalo ng Best Uniform para sa Cheerdance Team, bawat isa ay tumanggap ng P20,000; habang si Charmaine Alexis Cruz ng Bulacan State University – Meneses Campus ay nanalo ng 1st Place para sa Best Muse kasama ang P20,000 cash prize; Jolina Andan ng Marian College of Baliwag sa 2nd place at nakakuha ng P10,000; at Ma. Christina Dreu ng Dalubhasang Politekniko ng Lungsod ng Baliwag sa 3rd Place at nag-uwi ng P5,000.
Dumalo sa opening event sina Baliwag City Mayor Ferdinand V. Estrella, Board Members Casey Tryone E. Howard, Romina D. Fermin, Lee Edward V. Nicolas, Romeo V. Castro, Jr., at Cezar L. Mendoza, Governor’s Office Chief of Staff, PYSDO OIC, at Tournament Director Atty. Nikki Manuel Coronel, Provincial Cooperative and Enterprise Development Office Head Atty. Jayric L. Amil, at Provincial Public Affairs Office Head Katrina Ann Bernardo-Balingit.
Ang opening ceremony ay ginanap sa Baliuag Star Arena sa Pagala, Baliuag, Bulacan na dinaluhan ng mga opisyal sa lalawigan sa pangunguna ng Gobernador.
Nabuo ang Bulacan University and Collegiate Athletic Association (BUCAA) noon pang bago mag-Covid-19 ngunit dahil sa pandemya ay nakansela ang plano nitong pagbubukas ng torneo.
Pero hindi tumigil sa pagpupunyagi si Gobernador Fernando katuwang si Vice Governor Alexis Castro ay isinakatuparan nila ang mga naunang plano hanggang matuloy kamakalawa.
Hindi lamang larong basketball ang pinaglalabanan sa torneong ito kundi maging ang cheerdance competition ay isinagawa na una nang pinagwagihan at nag-kampeon ang PUP Santa Maria.
Ang welcome remarks sa pagbubukas ng torneo ay mula kay Baliwag Mayor Ferdinand Estrella at nagkaloob din ng mensahe sina SK Provincial Federation President Tyrone Howard, Bise-Gobernador Castro at si Gobernador Fernando.
Ani Fernando, “Nagpapasalamat ang inyong Gobernador Daniel kay Mayor Ferdie Estrella at binigyan ng pagkakataon ang BUCAA at isa ka sa bahagi nito. Salamat din kina Vice-Mayor Marie Claude Serrano Quimpo, Bokal Mina Fermin, Bokal Howard at lalo na sa ating Vice Gov Alexis Castro na siya ang ating katuwang dito.”
May 32 unibersidad at kolehiyo sa Bulacan ang lumahok sa torneo na kinabibilanagan ng Bulacan State University – Malolos; First City Providential College – San Jose Del Monte; ICI-CAT – Sta. Maria; Jesus is Lord Colleges Foundation Inc. – Bocaue; Mater Dei Academy – Sta. Maria; PUP Sta. Maria – Bulacan Campus; STI Malolos; Bulacan State University – Hagonoy; Bulacan State University – Meneses Campus – Bulakan; City College of San Jose Del Monte; Cornerstone College -San Jose Del Monte; DPR Aviation College – Plaridel; LCUP – Malolos; Pambayang Dalubhasaan ng Marilao; Bestlink College of The Philippines Bulacan, Inc. – San Jose Del Monte; Bulacan Agricultural State College – San Ildefonso; Bulacan Polytechnic College – Malolos; College of Our Lady of Mercy – Pulilan; Marian College of Baliuag; Bulacan State University – Bustos Campus; College of Saint Lawrence – Balagtas; Dalubhasang Politekniko ng Lunsod ng Baliwag; Meycauayan College; STI- Balagtas; STI- Sta Maria; CEU Malolos Campus; Colegio de San Gabriel Arcangel -San Jose Del Monte; Emmanuel System College of Bulacan Inc. – Pulilan; Richwell Colleges -Plaridel; STI CSJDM – San Jose Del Monte; at St. Paul University – San Miguel.
Samantala sa Cheerdance Competition ay 11 paaralan ang lumahok na kinabibilangan ng Mater Dei Academy – Sta Maria; College of Our Lady of Mercy -Pulilan; City College of San Jose Del Monte; Colegio de San Gabriel Arcangel -San Jose Del Monte; St. Paul University – San Miguel; Academia De San Lorenzo Dema-ala, Inc. – San Jose Del Monte; Bulacan State University – Meneses Campus – Bulakan; Bulacan Agricultural State College – San Ildefonso; Immaculate Conception I – College of Arts and Technology, Inc., – Sta. Maria; PUP Sta Maria – Bulacan Campus – Sta Maria; at Dalubhasang Politekniko ng Lunsod ng Baliuag na una nang pinagwagihan ng PUP Santa Maria. (MICKA BAUTISTA)