Friday , November 15 2024

Rachel aminadong mas mahirap magpasikat ng kanta ngayon

RATED R
ni Rommel Gonzales

NATANONG namin si Rachel Alejandro sa kung ano ang malaking pagkakaiba ng music noon ngayon?

Aniya, “Ang main difference? Siguro nagpapalit lang ‘yung style, ‘di ba, and influences.

“Dito naman sa Pilipinas siguro mayroon talagang you know, ‘yung tunog OPM na tinatawag, but of course like through the years medyo nagbabago ‘yung style kasi nai-influence rin tayo ng music around the world.

“Pero siyempre ibang-iba na ngayon the way that people listen and the way that songs become hits kasi noong araw ‘di ba, kailangan i-request mo sa radio stations, ‘di ba? 

“Kung nagustuhan ng DJ patutugtugin, hindi kagaya  ngayon na in just a few taps on your phone you can hear any songs that you want on any of the music platforms, on Youtube, ‘di ba?

“So, in that sense, I think mas mahirap na in a way na gumawa ng hit these days, kasi sobrang bombarded ang mga young listeners with music all over the world, ‘di ba? 

“So, in a way parang mas may competition, so I think kailangan manaig…’yung kailangan talagang super, super, super lakas ng recall ng kanta and all.

“And one thing na masasabi ko is marami pa rin talagang magagandang OPM na lumalabas.,” saad ni Rachel.

Kalimitang tanong ngayon sa mga mas matatagal ng artista o singer, o sa mga beterano na, kung nakaranas na ba sila ng pang-i-snob o kulang na respeto mula sa mga baguhan at nakababatang mga artist?

Ayon kay Rachel, “Feeling ko kung hindi ka nabati just means na hindi ka nila kilala, which is honest mistake lang siguro, ‘yun ang naiisip ko.

“Parang kasi siyempre hindi rin naman na ako lumalabas sa TV that much, so siguro kung dinaanan ka lang ng ganyan, ibig sabihin hindi ka lang talaga nakilala.”

Magkasama sina Rachel at ama niyang si Hajji Alejandro sa Awit Ng Panahon: Noon At Ngayon musical concert sa April 21, Sunday, 8:00 p.m. sa New Frontier Theater, Cubao, Quezon City.

Ang iba pang kasama sa concert ay sina Gino Padilla, Kris Lawrence, Nitoy Mallilin (formerly of The Boyfriends), Edwin Cando (seven-time defending champion ng Tawag ng Kampeon), at John Raymundo (eight-time defending champion of Tawag Ng Tanghalan).

Mula sa Pro-Entertainment Production, ang organizer at producer ng concert ay si Spike Bermudez, sa direksiyon ni Ferdi Aguas.

Ang iba pang artists sa concert ay sina Male Rigor (of VST and Company), Pete Gatela and Carlos Parsons (of Hagibis), Arabelle Dela Cruz (of TNT of It’s Showtime and The Clash), Rachel Gabrezaand Luzviminda Piedad (of TNT of It’s Showtime), at Geoff Taylor ng Pinoy Dream Academy).

About Rommel Gonzales

Check Also

Andrew Gan

Andrew Gan kinakarir pag-arte sa stage play

RATED Rni Rommel Gonzales TULAD ng ibang guapo at bortang artista na nakakapanayam, tinanong namin …

Jasmine Curtis-Smith John Lloyd Cruz Dahlia Erwna Heussaff Anne Curtis

Jasmine aminadong naiinggit kay Anne na mayroon ng Dahlia

RATED Rni Rommel Gonzales NAITANONG kay Jasmine Curtis-Smith kung ano ang reaksiyon ng boyfriend niyang si Jeff Ortega sa …

GMA christmas station id 2024

GMA bosses, A Lister star pinagsama sa GMA Christmas Station ID

I-FLEXni Jun Nardo UMERE na  last Monday night ang GMA Christmas station ID. Pinagsama ang GMA …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai nasaktan, nalungkot, tinanggap kapalaran kay Gerald 

I-FLEXni Jun Nardo NASAKSIHAN din namin ang pagsisimula ng relasyon nina Ai Ai de las Alas at Gerald …

Hiwalayang Ai Ai-Gerald may 3rd party?

HATAWANni Ed de Leon HEADLINE sa lahat ng mga entertainment website si Ai Ai delas Alas. …