Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lizzie Aguinaldo

Lizzie Aguinaldo, humahataw, singing and acting career

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

FIRST TIME naming narinig kumanta si Lizzie Aguinaldo sa ginanap na concert nina Kris Lawrence at Laarni Lozada sa Music Museum titled Groovin’ With The Champions at may ibubuga ang talented na dalagita.

Nakahuntahan namin recently si Lizzie sa FB at inusisa namin siya hinggil sa kanyang showbiz career.

Pahayag niya sa amin, “Last year lang po ako nag-start sa showbiz. Right now po, I’m a recording artist under StarMusic Ph, I started to be fond of music po as early as 7 years old po ako, because I grew up po sa family ko na mahilig po sa music.”

Dagdag ni Lizzie, “Before po, kinakantahan ko lang po ‘yung family ko and hinihikayat lang po ako ng family members po naming na mahilig mag-videoke.

“Then, noong na-figure out ko po na I really love singing, nag-start na po ako mag-voice lessons, siguro po around before the pandemic took place.”

Si Lizzie ay isang talented na 16 years old na nag-aaral sa isang international school sa Imus, Cavite.

Nalaman din namin na mayroon na palang three digital singles si Lizzie.

Aniya, “Yes po, I have three digital singles po, Lato-Lato, Baka Pwede Na, and Pasko Na Beke Nemen.”

Nabanggit din niya sa amin na sumabak na rin siya sa paggawa ng pelikula.

Tugon ni Lizzie, “As of now po, mayroon po akong sino-shoot na movie called “SomeBuddy” and I’m also starring po sa isang upcoming horror movie, directed by Direk Joven Tan po.”

Itong pelikulang SomeBuddy, sino ang casts, director, at ano ang kanyang role sa movie?

“Sa movie po na SomeBuddy, kasama ko po rito sina Raikko Mateo, Marco Masa, Janna Agoncillo, and si Onyok Pineda po. Directed by Direk Joven din po and isa po ako sa lead.”

“Yes, this is my first po na na-shoot ko po,” pakli pa niya nang usisain namin kung ito ba ang kanyang first movie.

Romcom ba itong SomeBuddy at tapos na ba ang shooting ng kanyang dalawang movies?

“Yes po, SomeBuddy is a romcom po. Iyong shooting po ng “Somebuddy” is not yet done pa po, although, iyong isang movie po is already done.”

Aniya, “About naman po sa horror movie ni Direk Joven, hindi naman po ako lead role roon, starring lang po… pero very thankful and honored na isinama po ako ni direk Joven sa movie niya pong ito.”

Ano ang mas love niya o saan siya mas nag-e-enjoy, sa singing or sa acting?

Esplika ng magandang dalagita, “Both singing and acting po is very interesting for me, mas nauna ko lang po na-experience ‘yung music industry, pero ngayon po na nae-experience ko na rin po iyong sa acting, na-enjoy ko na rin po ito.

“Kasi, na-realize ko po na puwede rin po pala ako sa ibang craft ng art.”

Nabanggit din ni Lizzie kung ano ang wish niyang mangyari sa kanyang showbiz career.

“I wish po na maging successful po iyong mga upcoming projects ko po, lalo na po ‘yung mga movie. And sana ay mas lalo pa pong makilala sa music industry,” nakangiting sey pa niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …