Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Streetboys

Streetboys, Manoeuvres, UMD magsasama-sama sa isang concert

RATED R
ni Rommel Gonzales

NASA Pilipinas ngayon si Spencer Reyes, ang sikat na dancer na member ng grupong Streetboys. May dance concert kasi ang mga sikat na dance groups noong 90’s kaya naman mula sa UK ay umuwi muna si Spencer para makasama sa concert.

Tinanong namin si Spencer kung ano ang naramdaman niya na may produksiyon na binigyan ng pansin silang mga dancer at ipinag-produce ng isang dance concert.

 “Kinilabutan ako na… iba ‘yung feeling,” umpisang bulalas ni Spencer. “Parang mayroon akong butterflies inside my… nanginginig ako.”

Si Spencer ay based na sa United Kingdom at nagtatrabaho bilang isang bus driver.

Tinanong rin ito kung may tsansa kaya na makompleto silang Streetboys sa kanilang dance concert o kung sa iba pang show in the future.

Maybe, why not, ‘di ba? Malay mo. Hindi natin alam kung when, hindi natin alam kung how, but definitely it will happen.”

Isang tila pagbubukas ng pinto sa ganitong pagkakataon ang The Sign 90’s Supershow na karamihan, hindi man lahat, ng orihinal na miyembro ng Streetboys, ay muling mapapanood humataw sumayaw.

So after this, you’ll never know, you’ll never know,” saad ni Spencer.

Mula sa WildCat Queens Productions and Management Inc., ang show ay pagsasama-sama ng mga sikat na dance groups noong 90’s at muling pagpapakita ng mga pinasikat nilang 90’s dance craze. Mangyayari ito sa Abril 19, 2024 (Biyernes), 6:00 p.m., sa Aliw Theater, CCP Complex, Pasay City.

Mapapanood din bukod kay Spencer sina Chris Cruz, Maynard Marcellano, Danilo Barrios, Nicko Manalo, Joey Andres, at Michael Sesmundo kasama ang Streetboys Juniors na sina Fritz, Gian, Paulo, at Neil.

Nasa show din ang Manoeuvres na sina Joshua Zamora, Rene Sagaran, Jonjon Supan, Red, at Jhon Cruz.

Hindi naman mabibigo ang mga tagahanga ng Universal Motion Dancers dahil muli nilang makikita sina Marco Mckinley at Norman Santos.

Mapapanood din ang iconic Kids At Work sa pangunguna ni Jayjay Del Rosario, ang Power X People sa pangunguna naman ni Isaac Generoso.

May performances sa concert ang BigmenAbztract, Dyna Turbo, Teensquad, Katz22, Black & White, Mastermind, Blain, Wildcat Queens, at marami pang iba.

Sa direksiyon ni Kiko Cabarloc at over-all director na si Arnel Caranto.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

MMFF 2025 Movies

MMFF hindi contest para magpaligsahan, presyo ng tiket ‘wag sisihin 

I-FLEXni Jun Nardo HUWAG problemahin kung hindi nahigitan ng 51st Metro Manila Film Festival movies ang nakaraang …

Andrew Gan

Andrew Gan, patuloy sa pagratsada sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Andrew Gan sa mga aktor na hindi nawawalan …

Barbie Forteza P77

P77 mapapanood na sa Prime Video

RATED Rni Rommel Gonzales SIMULA January 8 ay mapapanood na sa Prime Video ang psychological horror film …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …