Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bong Revilla Jr PMPC

Sen Bong nakipag-bonding sa PMPC

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

MASAYANG nakipag-bonding noong Linggo, April 7, si Sen. Bong Revilla sa mga miyembro ng Philippine Movie Press Club (PMPC), isang grupo ng mga entertainment press. Matagal na rin namang hindi nakaka-bonding ang dakilang senador. 

Masaya namang sinasagot ni Sen. Bong ang mga tanong ng mga miyembro sa mga plano niya sa darating na election at mga future project sa pag-aartista niya. 

Ayon sa mabuting senador, for re-election siya sa pagka-senador at sa showbiz naman ay ang pelikulang Alyas Pogi 4 ang pinagkakaabalahan niya after Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis sa GMA.

Kaya hindi nababakante si Sen. Bong pero may panahon pa rin siya sa kanyang lumalaking pamilya at tuloy pa rin ang isang proyekto na pagsasamahan nila ng mga artistang nasa politics. 

Walang pagod si Sen Bong at kita naman natin nag-iikot pa ‘yan sa iba’t ibang parte ng bansa para mag-reachout sa mga kababayan nating nangangailangan ng tulong niya. Sanay ang senador sa mga pag-iikot at hindi ‘yan napapagod.

Hindi pa rin niya alam kung may season 3 ang Walang Matigas na Mister at depende ‘yan sa desisyon ng GMA at naghahanda na rin siya para sa campaign season.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

MMFF 2025 Movies

MMFF hindi contest para magpaligsahan, presyo ng tiket ‘wag sisihin 

I-FLEXni Jun Nardo HUWAG problemahin kung hindi nahigitan ng 51st Metro Manila Film Festival movies ang nakaraang …

Andrew Gan

Andrew Gan, patuloy sa pagratsada sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Andrew Gan sa mga aktor na hindi nawawalan …

Barbie Forteza P77

P77 mapapanood na sa Prime Video

RATED Rni Rommel Gonzales SIMULA January 8 ay mapapanood na sa Prime Video ang psychological horror film …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …