Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marian Rivera My Guardian Alien

Pagsisimula ng serye ni Marian pinusuan ng viewers 

RATED R
ni Rommel Gonzales

MAINIT na tinanggap ng viewers ang comeback series ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, ang My Guardian Alien.”

Mula pilot episode noong April 1, patuloy na namamayagpag sa ratings ang serye. Todo-puri rin ang netizens sa kuwento nitong puno ng damdamin. Unang linggo pa lang pero marami na ang kinilig, natuwa, namangha, at naiyak sa pamilya nina Katherine (Marian), Carlos (Gabby Concepcion), at Doy (Raphael Landicho).

Komento ng ilang netizens sa GMA Network Facebook page, “I really love the execution of the scenes in My Guardian Alien. Talagang kapana-panabik lahat ng mga ganap at sa pilot episode pa lang, pinakita talaga ng ating Primetime Queen Marian na siya talaga ang may hawak ng trono mula noon hanggang ngayon, walang kupas!”

Dagdag pa ng ibang Kapuso, “Ganda lahat mula story, location, pang-Best Picture ‘to kung naging movie. Grabe talaga si Direk Zig [Dulay]. ‘Yung visuals ng mga gawa niya sobrang ganda talaga. Sobrang pleasant sa mata.”   

Noong April 4, nasaksihan ng lahat ang official touchdown sa Earth ng pinakamagandang alien sa balat ng lupa.  

Tutukan ito mula Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …