Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulacan Police PNP

P240k ilegal na droga kompiskado; 11 pasaway arestado

INILUNSAD ng pulisya sa Bulacan ang pinaigting na operasyon na nagresulta sa pagkakompiska ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng P240,000 kabilang ang pagkaaresto sa 11 pinaghihinalaang tulak at dalawang wanted na personalidad hanggang kahapon, 11 Abril.

Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, matagumpay na nagkasa ng sting operation ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Bustos MPS na nagresulta sa pagkaaresto kina alyas Ojak at alyas Duno dakong 7:30 pm kamakalawa sa Brgy. Cambaog, Bustos, Bulacan.

Nakompiska sa mga suspek ang limang sachet ng hinihinalang shabu, may timbang na 25.20 gramo at may Standard Drug Price (SDP) na P171,360 kasama ang marked money.

Gayondin, siyam na drug dealer ang nahuli sa magkahiwalay na drug-bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Angat, Hagonoy, Malolos, Marilao, Bocaue, at Balagtas C/MPS.

Nasamsam sa mga operasyon ang kabuuang 40 sachets ng hinihinalang shabu na tinatayang may halagang P69,292 at marked money.

Dinala sa Bulacan Provincial Forensic Unit (PFU) ang mga nakompiskang ebidensiya para sa kaukulang pagsusuri habang mga reklamong kriminal para sa mga paglabag sa RA 9165 laban sa mga suspek ay inihanda para sa pagsasampa sa korte.

Samantala, ang tracker team ng 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) at Sta. Maria Municipal Police Station (MPS) ay inaresto ang dalawang wanted na personalidad na kinilalang sina alyas Apol para sa Serious Physical Injuries, at alyas Ronald para sa Statutory Rape.

Ang lahat ng arestadong akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng arresting unit o station para sa kaukulang disposisyon. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …