RATED R
ni Rommel Gonzales
IBANG level talaga ang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) dahil kamakailan ay kinilala ito ng global humanitarian organization na World Vision sa kanilang Project Salute bilang aktibong kaisa at kaagapay sa pagtataguyod ng kapakanan ng kabataang Filipino.
Masasabi talagang hindi lang infotainment ang kayang maibigay ng programa sa Kapuso viewers dahil tunay din itong nakapaghahatid ng tulong sa mga nangangailangan, gaya ng sektor ng kabataan. Siyempre, patuloy din ang pagbibigay-inspirasyon nito sa bawat pamilyang Filipino na tumututok sa mga kuwentong tampok tuwing Linggo ng gabi.