Sunday , December 22 2024
Klinton Start

Klinton Start, magiging active ulit sa showbiz pag-graduate ng kolehiyo

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SA KANYANG pag-aaral muna sa kolehiyo ang naging focus ngayon ni Klinton Start. Graduating na kasi sa Trinity University of Asia ang tinaguriang Supremo ng Dance Floor ng kursong Marketing Management, kaya medyo nag-lie-low siya sa showbiz.

Nakahuntahan namin si Klinton sa launching ng Aspire Magazine “The Flight of the Phoenix” edition na ang CEO/President ay si Ayen Cas, with the beauty queen-model na si Marianne Beatriz Batalla Bermundo bilang cover girl.

Nakibahagi rito si Klinton bilang pagsuporta dahil siya ang unang cover ng Aspire Magazine ilang taon na ang nakaraan. Rumampa rin siya sa naturang event.

Sa aming tsikahan, animo nagbalik-tanaw siya nang unang maging cover ng naturang magazine.

Wika niya sa amin, “Iyong first volume ng magazine po ay ako ang cover, so parang ang nangyari ay magkakaroon ng transition… and support ko na rin po ito dahil siyempre, nasa iisang agency lang naman po kami, kaya po ako nandito.”

Inusisa namin siya kung ano ang pakiramdam na una siyang cover boy ng Aspire, na isang collector’s item edition na 1,000-page glossy magazine?

Esplika niya, “First po, noong sinabihan po ako noon na ako ang magiging cover, talagang na-overwhelm po ako, sobrang saya. Kasi po siyempre, first time kong ma-cover sa magazine and kumbaga, sa rami po ng mga batang aspirants, parang bakit ako pa?

“Parang napatanong din po ako sa sarili ko, actually, pero iyon po, siguro dahil din sa pagiging hard working ko as an artist at talagang ‘yung passion na mayroon din po ako… So siguro po ay nakita rin po ni God, kaya (parang sabi niya), ‘A sige ibigay natin ang blessings na ito sa batang ito.’

“So iyon po, sobrang saya ko po talaga sa ibinigay sa aking opportunity na iyon.”

May payo ba siya sa mga aspiring model o ‘yung gustong maging cover sa magazine?

Tugon ni Klinton, “Siguro po ang maipapayo ko lang po, dapat marunong silang magpasalamat kay God, kasi siyempre Siya naman po talaga ang, kumbaga, ang nagbibigay sa atin ng blessings, iyong nasa Itaas.

“Pangalawa, gawin lang po nila kung ano ang mahal nila, kung ano iyong sa tingin nilang passion nila. Kung talagang mahal nila ‘yung pagsasayaw, pagmomodelo, pag-aartista, gawin lang po nila iyon nang buong puso.”

Ano ang latest news sa kanya sa showbiz?

“Ngayon po, medyo nag-lie low talaga po ako dahil graduating na po ako e, ga-graduate na po ako sa June 6, malapit na po.”

After graduation ba sa college, mas magiging active ulit siya sa showbiz?

“As of now ay hindi ko pa po sure, pero kumbaga ang nasa isip ko na lang po, kung saan ako dadalhin ng tadhana, siguro ay doon na lang po ako.

“Pero recently ang mga ginagawa ko po, marami pong nag-i-invite sa akin na mga school na mag-judge po sa kanilang dance competitions, parang tatlong schools na po this coming May. Tapos ay magkakaroon din po ako ng taping, pero hindi pa po kasi puwedeng banggitin, e.

“So, nabigyan po ulit ako ng chance, sa acting naman po siya, Sana po ay maging okay. So, i-update ko na lang po kayo kung kailan ito ilalabas, may date na po iyong taping ko.”

Nabanggit din ni Klinton na simple lang ang pangangailangan niya at pangarap sa buhay.

“Ako naman po, gusto ko lang pong maging successful sa life, makahanap nang magandang trabaho, makapag-provide sa family ko, kina tita (Ann Malig-Dizon at Haye Start) nga po, para makabawi man lang po ako sa kanila,” sambit ni Klinton.

About Nonie Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …