PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
UY, may tatlong love teams ang Viva Artists Agency na ipanlalaban sa mga kilalang tandems.
May upcoming series sila sa Viva TV under their University series na Uni Love Squad.
Bida nga rito ang MarVen, KrisshRome, at HyGab, featuring Marco Gallo-Heaven Peralejo, Krissha Viaje-Jerome Ponce, at Hyacinth Callado-Gab Lagman.
Well, nauna na siyempreng sumikat diyan sina Marco at Heaven, pero willing silang magbigay suporta sa mga bago nilang kasama.
Siyempre sila ang nagsisilbing “anchors” ng grupo at aminado din silang lumalakas ang tambalan nila kapag may mga kasamang iba.
More than friends naman na ang relasyon nina Jerome at Krissha. Bigla na lang nilang na-discover ang isa’t isa at sa tingin nila ay hindi na mahihirapan ang mga shipper nila dahil mas totoong feelings na ang ipararamdam nila sa isa’t isa.
Excited naman sina Gab at Hyacinth dahil sila kumbaga ang newest ‘susugalan’ ng VAA at susuportahan ng mas naunang love teams.
“We are very comfortable with each other and we also want to showcase what we have, us, being both we grew up and came from the US. Mayroon din naman kaming maipapamalas kumbaga,” sey ni Gab.