Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rhian Ramos Tom Rodriguez JC de Vera Huwag mo Kong Iwan

Rhian Ramos, Tom Rodriguez, at JC de Vera, tampok sa Huwag Mo ‘Kong Iwan 

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IPINAHAYAG ni Rhian Ramos na excited siya sa bagong pelikulang gagawin. Pinamagatang Huwag Mo ‘Kong Iwan, co-stars dito ng aktres sina Tom Rodriguez at JC de Vera.

Wika ng aktres, “I was so excited, kasi komportable na ako kay Tom. We have a great working relationship on set, even as friends…so I was happy na we get to do a movie together and that he’s back.”

Aniya pa, “Sa lahat naman ng ginagawa ko, it’s good kapag medyo ninenerbiyos ako. I find it to be a good sign. I’m so grateful to be part of this project and to have this role and to have this opportunity to work with everyone here, especially Direk Joel.”

Ang Huwag Mo ‘Kong Iwan ay pamamahalaan ng award-winning director na si Joel Lamangan, with Dennis Evangelista as line producer.

Idiniin ni Rhian na gagawin niya ang lahat para maging karapat-dapat sa pagtitiwala ni Direk Joel, kahit mabembang pa siya.

Bulalas niya, “Imagine sa 18 years ko in the industry, hindi kami nagkatagpo, hindi kami nakagawa ng pelikula o ng show man lang. Kaya I was really surprised when I had the phone call from my manager na may inquiry, nagulat talaga ako, hindi ko ini-expect.

“Tapos, sobrang madaling-madali ako sa pagbasa ng script, I wanted to know na kaagad everything about the movie, about the role. So, I can just say I’m very excited and I’m going to do my best.”

Sa pelikula ay bibigyang buhay ni Rhian ang papel ng isang babaeng naiipit sa dalawang lalaki, isang kababata at isang abogadong pinagkakautangan niya ng loob.

Ang Huwag Mo ‘Kong Iwan ay hatid ng Bentria Productions na pagmamay-ari ni Engr. Benjamin Austria. Ito ang kasunod na movie project ng kanyang film outfit after ng internationally acclaimed film na Broken Blooms, starring Kapuso actor Jeric Gonzales.

Sa media conference nito na ginanap sa The Manila Hotel, ipinahayag ni Engr. Austria ang kagalakan na sa kanyang second project ay natupad ang wish na si Direk Joel ang mamahala ng kanyang ikalawang pelikula.

“Maganda ang story nito at overwhelming… happy ako dahil noon, pangarap ko lang na si Direk Joel Lamangan ang magdidirek ng movie na ipo-produce ko. Thank you direk at maganda ‘yung prinesent mo sa akin,” pakli ng mabait na movie producer.

Tampok din sa pelikula sina Rita Avila, Pinky Amador, Emilio Garcia, Jim Pebanco, Simon Ibarra, Lloyd Samartino, Tanya Gomez, Nella Dizon, Felixia Crysten, Ricci Jereza-Chan, Marcus Madrigal, Caramel, Rave Obado, at iba pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …