Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jhassy Busran Keeno Alonzo

Jhassy Busran sobrang saya, Pugon na award-winning short film mapapanood sa Cannes Film Festival

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SOBRA ang kagalakan ng teen actress na si Jhassy Busran nang ibalita sa kanyang pasok sa Cannes Film Festival 2024 for Screening ang kanilang short film na Pugon.

Pahayag ni Jhassy, “Sobrang saya ko po na kahit 2020 pa namin (siya) ginawa at 2021 namin naipalabas, up until now na 2024 na, tuloy-tuloy pa rin ang pag-angat (niya).

“Iyong Pugon po kasi ang pinaka-nag-open sa akin ng maraming pinto sa career ko. Simula kasi nang nanalo ako ng acting awards sa Pugon, ang dami nang nagtiwala sa akin, maraming nakakilala, maraming nagbukas ng pinto para sa akin and I’m very happy na up until now ay umaarangkada pa rin si Pugon.”

Paano nakapasok sa Cannes ang Pugon?

Tugon ng talented na young actress, “I really don’t know po, sinabi lang din po sa amin ni direk (Gabby Ramos).

“Noong sinabi sa akin ni Direk, hindi ko alam kung anong mapi-feel ko. Parang nao-overwhelm po ako, sobra,” masayang pahayag pa niya.

Ano ang reaction niya na pang Cannes na rin siya? Sa May gaganapin iyan sa France, hindi ba?

“I was really happy po siyempre, kasi another opportunity na naman po for sure ang magbubukas for me. Yes po sa May po (siya) gaganapin,” pakli ni Jhassy.

Nagbigay ng detalye si Jhassy ukol sa kanilang short film.

Sambit ni Jhassy, “Ako po roon si Sonia, isa po ako sa mga batang ipanambayd sa utang ng mga magulang nila. Nagtrabaho po ako isang panaderya po roon at ang naging amo ko ay si Sir Soliman Cruz.

“So, roon nagsimula iyong istorya ko na naggagawa ako ng tinapay at sa utak ko ay ilang buwan lang ako roon, pero iyon pala, tuloy-tuloy ang pag-utang ng mga magulang ko. So, tuloy-tuloy din ako sa pagbabayad (sa pamamagitan ng pagtatrabaho), kahit tapos na iyong buwan na dapat akong umuwi na.

“Ganoon po, so roon nagsimula iyong paghihirap ni Sonia.”

Bukod kina Jhassy at Soliman, tampok din sa Pugon ang veteran actress na si Andrea del Rosario. Ito ay mula sa pamamahala ni Direk Gabby.

Una ngang nakilala ang dalagita sa short film na Pugon na nanalo si Jhassy ng ilang acting awards. Kabilang dito ang IFFM (New York) – Jury’s Best of the Best Performance of an Actress; Gully award – Best Child Actress; Ashoka international Film Festival 2021 – Best Child Artist; at WCEJA- Outstanding Lead Actress in Movie.

Ang susunod na aabangan kay Jhassy ay ang pelikulang “Ang Huling Sayaw Ni Erlinda” na tatampukan nila ni Rez Cortez.

“Ang ‘Ang Huling Sayaw ni Erlinda’ po was originally for a short film, but they’re planning po to make it a full-length film. It is a story about unconditional love po, I won’t go into details na po since ayaw ko ma-spoil (siya) and I want you po na mapanood n’yo talaga siya, hehehe.

“Kasama rin sa pelikula sina Lola ube, MJ Manuel, Keeno Alonzo and many more, directed by Direk Gabby Ramos po.”

Ano pa ang wish niyang mangyari sa kanyang showbiz career?

Sagot ni Jhassy, “Marami po akong gustong mangyari sa career ko po, siyempre kasama po roon ang mag-succeed sa larangang ito. Pero gaya nga rin po ng mga sinasabi ko even before, na kung ano po ang dumating na biyaya sa atin dito at kung hanggang saan lang ito ay buong puso ko pong tatanggapin.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …