AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan
SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa kanilanhg dedikasyon at sinseridad sa paglilingkod sa bayan. Prayoridad talaga ng pulisya ang seguridad ng bawat mamamayan.
Nabanggit natin ito sapagkat ito ay muling ipinamalas ng Quezon City Police District (QCPD) na pinamumunuan ni District Director, P/Brig. Gen. Redrico A. Maranan, sa milyong QCitizens nitong nagdaang Semana Santa.
Habang nakabakasyon ang marami, nasa outing man o nasa pag-Visita Iglesia o ‘ika nga habang nakabakasyon ang lahat, ang QCPD naman ay nakaalerto para matiyak ang seguridad ng lahat.
Sa pagbigay seguridad sa buong lungsod at sa patuloy na pagtatrabaho bagamat Semana Santa, nakapagtala ang QCPD ng masasabing hindi matatawarang crime solution – umabot sa 82.61% ang itinaas ng crime solution efficiency para sa itinuturing na 8-focus crimes sa Quezon City sa nagdaang paggunita ng Semana Santa.
Sa paggunita ng Semana Santa noong Abril 3–9, 2023, nakapagtala ang QCPD ng 48 insidente sa sinasabing eight-focus crimes gaya ng murder, homicide, physical injury, rape, theft, robbery, car theft, at motorcycle theft, samantala ngayong Semana Santa nitong 25–31 Marso 2024, ang QCPD ay nakapagtala lamang ng 23 insidentre.
Nagpapakita lamang ito na bumaba ang krimen ng 31.25% o 15 insidente. Bilang resulta, ang crime solution efficiency naman ay tumaas sa 82.61% mula 72.92% noong nakaraang taon.
Siyempre, ang lahat ay bunga ng walang humpay na kampanya ng QCPD laban sa krimen habang ang milyong QCitizens ay nakabakasyon sa panahon ng Semana Santa.
“This achievement is attributed to the relentless efforts of the QCPD force during the holiday season. Measures included intensifying security coverage through intensive patrolling in places of convergence and heightened checkpoint operations aimed at ensuring the safety and security of all commuters. Furthermore, the establishment of Assistance Hubs (AHs) along major thoroughfares and Police Assistance Desks (PADs) in churches, bus terminals, malls, grocery markets, tourist destinations, and other gathering points, in collaboration with government agencies, LGUs, and advocacy groups, played a pivotal role in achieving this remarkable feat,” pahayag ni PB Gen. Maranan.
“My heartfelt gratitude to every member of the QCPD force for their dedication and hard work that led to this notable achievement. Your commitment in serving and protecting our community is truly commendable. Let us continue to work together towards building a safer and more secure Quezon City for all,” dagdag ni PBGEN Maranan.
Ganyan kung magtrabaho ang QCPD…prayoridad nila ang kapakanan ng milyong residente ng lungsod. Nakabakasyon man ang lahat, ang pulisya naman natin ay kaliwa’t kanan na nakaalertyo o walang pahinga para sa seguridad ng bawat mamamayan. Nakita naman natin ang patunay – ang puntos ng QCPD sa crime solution nila sa nagdaang Semana Santa.