Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ogie Diaz Janine Gutierrez Kim Chiu Paulo Avelino

Ogie sa bintang na may sama ng loob kay Janine: Hindi namin tinitira si Janine, ‘di n’yo ako pwedeng diktahan

MA at PA
ni Rommel Placente

SA pamamagitan ng kanyang vlog na Showbiz Update, nilinaw ni Ogie Diaz na wala siyang galit kay Janine Gutierrez.

Marami raw kasi sa fans ng dalaga ang nagsasabi na baka may sama siya ng loob kay Janine dahil madalas niyang napupuri ang tambalang Kim Chiu at Paulo Avelino.

Nagre-react ‘yong fans ni Janine Gutierrez. Bakit daw parang galit ako, or may sama ako ng loob, or parang ayaw ko si Janine. Ganyan. Kasi nga, inamin ko raw na KimPau fan ako,” panimula ni Ogie.

Aniya, ibinabalita lang naman nila kung ano ang napapansin nila.

Hindi namin tinitira rito si Janine. Ibinabalita lang namin dito. Alam ninyo, ito ang gusto kong sabihin sa inyo, ha, walang makaaawat sa akin.

“Syempre, hindi n’yo naman kami pwedeng diktahan kung anong gusto naming sabihin, gawin naming opinyon dito.”

Gets naman daw ni Ogie na minsan ay hindi talaga magugustuhan ng ilan ang kanilang ibinabalita.

Siyempre, may mga pagkakataon na hindi n’yo magugustuhan ‘yong mga ibinabalita namin. Lalo na kung sobra kayong fanatic sa isang celebrity,” hirit pa niya.

Dagdag pa niya, sa kani-kanilang social media account na lang sila maglabas ng kanilang mga opinyon at pahayag.

Naibahagi rin nila Ogie sa Showbiz Update na tila hindi raw muna bet ni Janine na maka-work si Paulo base sa nakarating sa kanya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …