Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kim Chiu Barbie Forteza 

Kim nadulas kay Barbie naka-move on  agad

RATED R
ni Rommel Gonzales

BONGGA ang sanib-puwersa ng dalawang prinsesa na sina Barbie Forteza (GMA) at Kim Chiu (ABS-CBN).

May pa-question and answer ang dalawa sa kanilang vlog na hindi lamang tungkol sa career ang tsikahan kundi maging sa personal na buhay nilang dalawa.

Tinanong ni Barbie si Kim sa posibilidad na magsama sila sa isang proyekto, natural excited ang dalawa.

Lahad ni Kim, “Naiisip ko puwede nating gawin since marami tayong energy gusto ko like gumawa tayo ng nakatatawang pelikula. Funny na magkapatid na baliwan na magkaaway pero nag-reconcile.”

Natatawang say naman ni Barbie, “Tayo magre-refuse? No!

“Kaya lagi niyo po kami nakikita! We are the yes girls,” sundot ni Kim.

Sinabi naman ni Barbie na, “Siguro ‘pag ‘di lang appropriate ‘yung material, ‘yung parang, ‘hindi ko pa to gagawin at this moment.”

Dumako naman sa pagmu-move on ang tsikahan nila na tinanong ni Barbie si Kim na mabilis na nag-react habang tumatawa. “Oo mabilis ako mag move on. Ano ba ‘yon? Áno ba tanong?

Dagdag pa ni Kim, “Ang saya ng buong vlog, sobrang fun, walang pressure. Hindi ko nga alam kung nagkakaintindihan kami kasi apiran lang kami ng apiran, hampasan lang kami nang hampasan.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …