Tuesday , April 15 2025
heat stroke hot temp

Forecast ng heat index, umabot sa 40°C
GOB. FERNANDO, NAGPAALALA SA MGA BULAKENYO TUNGKOL  SA MGA HEAT EMERGENCY

IPINAALALA ni Gob. Daniel Fernando sa mga Bulakenyo na uminom ng maraming tubig, magdala ng payong kapag lalabas, at magsuot ng komportable at magaan na damit upang makaiwas sa heat emergencies tulad ng heat cramps, heat syncope, heat exhaustion, at heat stroke kasabay ng pagpalo ng heat index forecast sa 40°C.

“Kung posible, iwasan na po nating lumabas ng ating mga tahanan ng tanghaling tapat. Kung hindi naman maiiwasan na lumabas, gawin na lamang natin ang mga ito sa umaga o hapon kung kailan hindi pa tirik ang araw,” anang gobernador.

Base sa dalawang araw na taya ng panahon na inilabas ng Department of Science and Technology-Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, maaaring umabot ang heat index sa kanilang estasyon sa Clark Airport (DMIA) sa Pampanga ng 39°C sa Abril 3 at 40°C sa Abril 4.

Samantala, ayon sa Provincial Health Office-Public Health, ang mga paunang lunas na maaaring ilapat sa mga taong nakararanas ng heat emergency ay ang paglilipat sa biktima sa malilim o malamig na lugar; pagtatanggal ng mga damit na dumadagdag sa init ng katawan; pagpaypay at pagtapat sa biktima sa electric fan; pagwisik ng tubig sa buong katawan; paglalagay ng ice packs sa pisngi, palad, at talampakan ng biktima; at pagdadala sa pinakamalapit na primary care provider.

Ilan sa mga senyales at sintomas ng heat stroke ang temperatura na lagpas 40°C; mainit, namumula, at tuyong balat; pagkawala ng malay, kombulsiyon, at pagkawala sa sarili; pagkahilo, pananakit ng ulo, pagsusuka, pagduduwal; at pangangalay o pamumulikat ng kalamnan. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan …

Lauren Mercado Pickleball Power Tour

Mercado Pickleball Power Tour

IPINAKITA ni Lauren Mercado, 17 anyos, Filipino-American Las Vegas based talent Pickleball pro champion sa …

Franz Pumaren

Pumaren sinampahan ng Graft complaint sa P50-M proyektong hindi natapos

KASALUKUYANG iniimbestigan ng Commission on Audit (COA) at ng Office of the Ombudsman ang reklamo …

Alan Peter Cayetano

Cayetano sa mga SK leader  
Magtrabaho para sa tunay na pagbabago

HINIMOK ni Senador Alan Peter Cayetano noong Sabado ang mga chairperson ng Sangguniang Kabataan (SK) …

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …