Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sid Pascua Dayo

Direk Sid Pascua, proud sa kanyang pelikulang Dayo

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IBANG klaseng sexy movie ang pelikulang Dayo na hatid ng Viva Films and 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo. Ang pelikula ay mula sa screenplay ni Quinn Carrillo at sa pamamahala ni Direk Sid T. Pascua.

Tampok sa pelikula sina Rica Gonzales, Audrey Avila, Marco Gomez, Nathan Rojas, at Calvin Reyes. Kasama rin dito sina Sue Prado at AJ Oteyza. Mapapanood na ang Dayo sa Vivamax sa April 19.

Aminado si Direk Sid na matagal bago nasundan ang unang pelikulang ginawa niya-ang Dyagwar: Havey o waley noong 2011, na tinampukan nina Eric Fructuoso at Boom Labrusca.

Ipinahayag ni Direk Sid na dahil sa tagal ng interval bago nasundan ang next movie niya, naisip niyang wala na siyang puwang sa mundo ng showbiz.

Aniya, “I understand kasi iyong risked na tinake ng 3:16 with me, e. Hindi ba? I mean, 2011 was your last, hindi ba?

“Ako, I’ll be honest, ang hirap kumuha ng project in between that. Kasi kapag tinanong ka, ‘Kailan ‘yung last movie mo?’ ‘2011’, right? I mean, that’s more than 10 years ago.”

Naikuwento sa amin ni Direk Sid na naging assistant director siya noon ni Direk Wenn Deramas sa mga TV series at the same time ay editor din siya. Then, dumating nga ang project na Dyagwar. Tapos nito ay nag-focus muna siya sa pagiging writer-director-producer ng mga commercial at nagtuturo rin siya sa college. 

Pahayag pa sa amin ni Direk Sid, “So iyon, November (last year) I was given an opportunity to do a vertical drama, na napapanood sa app nila, iyong PlayNet.

“So, after niyon ay doon ko na-feel na kaya ko pa pala. Kasi, for the longest time ay parang ayaw ko na e. Kasi parang feeling ko ay ang tagal kong nawala, wala akong kilala sa showbiz… wala na, as in wala na ako sa mundong iyon.

“Then after ng dalawang vertical films na iyon doon ko na-feel na parang kaya pa,” esplika pa ni Direk.

At naisip daw ni Direk Sid na magandang opportunity ang Vivamax para magbalik na talaga siya sa pagdidirek ng pelikula.

Ang katotong Mell Navarro ang naging tulay kay Ms. Len Carrillo para maging direktor ng Dayo si Direk Sid.

Nang nakita nga namin ang teaser nito, pati na ang ilang love scenes ng  Dayo, nakabibilib ang patikim ng pelikula. May taste ito at may istorya, na hindi lang hubaran at sex ang sangkap para maging interesanteng panoorin ng mga audience.

Isa sa aabangan dito ang love scene nina Rica at Calvin na ginawa malapit sa cliff o sa bangin. Actually, pati ang romansahan nila sa duyan at habang nakatakip sila ng kumot, kaabang-abang ito.

Ayon kay Direk Sid ang Dayo ay isang love story. Sa Dayo, gumaganap si Rica bilang isang dancer na pokpok na naghahangad magbago ng buhay, kaya dumayo sa malayong probinsiya ng La Union para makapagsimulang muli ng panibagong buhay. Pero, nasundan pa rin siya ng kanyang nakaraan.

Incidentally, si Direk Sid ang nagbigay ng opportunity sa actress-writer na si Quinn para maging assistant director dito.

Nang usisain namin, nabanggit ni Direk Sid na proud siya sa pelikulang Dayo.

“Oh yes, yes, proud ako sa pelikulang Dayo. I mean, on a scale na nagpahinga ako ng 12 years and I was able to do that… of course not me, but given… na nabigyan ako ng chance to have a good team, a great team to work with on my comeback, malaking bagay iyon.

“Kasi iyong iba kaya hindi nakababalik dahil iyong balik nila, they didn’t have the right materials, the right team to come back.

“So feeling ko sa akin, It was perfect, it was closed to perfect sa akin. Even nang na-edit ko iyong clip, sa akin ay okay na ako, sabi ko… I think we did a good job,” pakli pa ni Direk Sid.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …