Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Yasmien Kurdi Dianne Medina 

Yasmien at Dianne naggagandahang buntis

KAPWA sabik at masaya sina Yasmien Kurdi at Dianne Medina sa mga ipinagbubuntis nila.

Masayang ipinakita ni Yasmien sa kanyang social media accounts ang tinawag niyang “baby dragon,” ang  second baby nila ng non-showbiz husband na si Rey Soldevilla, Jr. Isang video ng ultrasound  na gumagalaw sa kanyang tiyan ang ipinakita ni Yasmien. Kasama roon ang boses ng isang bata na tila nagbibigay ng update habang nasa sinapupunan.

Caption ng aktres, “I am ALIVE! [pregnant emoji] So chubby! [holding back tears emoji] I Love You [happy face with hearts emoji]” Kalakip ang hashtags na “your mama dragon loves you so much,” “can’t wait to see you,” “my baby dragon,” “3rd dragon” at “I promise to protect you always.”

May post din si Yasmien ng litrato na kuha sa kanyang maternity shoot na gandang-ganda kami. Nakasuot ito ng white pants at white polo na kitang-kita ang baby bump. May caption iyong, “Forever grateful for this little blessing [heart hands emoji].” 

Nobyembre 2023 inanunsiyo nina Yasmien at Rey na magiging ate na ang kanilang panganay na anak, si Ayesha na November 2012 pa ipinanganak. Kaya malayo-layo ang agwat ni Ayesha sa kasunod niyang kapatid.

Sa Instagram din masayang ipinakita ni Dianne ang kanyang baby bump habang hawak ni Rodjun Cruz, asawa niya, ang ultrasound result.

“Easter is all about celebration of New Life,” caption nito.

“Today, as we celebrate the Resurrection of our Lord Jesus Christ, we are also celebrating this gift of NEW LIFE inside me!” sabi pa ni Dianne.

Ani Dianne, anim na buwan na ang kanyang tiyan.

“We are immensely happy to announce that I’m 6 Months pregnant! [red heart emoji],” aniya. “We couldn’t be more thankful to our God for blessing us this baby on the way, and we thought it’s just fitting to share this with you all on Easter day.

“Please pray for us on this journey. Happy Easter! Thank you LORD! So happy!” hiling nito.

Ipinakita rin ni Dianne ang isang throwback picture sa unang pagbubuntis niya, kay Joaquin noong 2020, panganay nila ni Rodjun na nangyari rin noong Easter Sunday. 

Easter Sunday din ngayong taon inanunsyo ng mag-asawa ang ikalawang ipinagbubuntis.

Caption niya, “Thank you Almighty Father! All Glory and Honor is yours [folded hands, red heart emojis].”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …