Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Zanjoe Marudo Ria Atayde Sylvia Sanchez Art Atayde

Sylvia kay Zanjoe—hulog ng langit kay Ria

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TIYAK na sobrang na-touch o hindi man naluha si Zanjoe Marudo sa napakagandang mensahe ng kanyang biyenang si Sylvia Sanchez nang mag-post ito sa kanyang social media account pitong araw matapos ang kasal nila ni Ria Atayde

Tagos  sa puso ang napakagandang mensahe ni Sylvia noong Easter Sunday kay Zanjoe dahil pinuri niya ito at binanggit ang mga katangiang nagustuhan niya rito.

Ani Sylvia, isang hulog ng langit at napakagandang regalo para sa kanyang anak na si Ria si Zanjoe. Kalakip ng makabagbag damdaming mensahe ang ilang wedding pictures ng dalawa na ang pagkakaalam nami’y may hinintay na picture si Ibyang (tawag kay Sylvia) kaya natagalan ang pagpo-post niya.

Sinabi rin ni Sylvia na “napakabuting asawa” ni Zanjoe.

Panimula ni Sylvia, “Walang hanggang pasasalamat Panginoong JESUS dahil binigyan mo ng napakagandang regalo ang aking si Potpot Sophia Atayde ng isang napakabuting asawa, marespetong bata, mapagmahal na kapatid, anak at napakaresponsableng tao.”

At tila ba manghuhula ang aktres dahil naramdaman agad niyang magkakatuluyan ang dalawa.

“Unang araw ko kayong nakitang magkasama alam ko nang kayo ang magkakatuluyan. Naramdaman ko yan. Mother instinct (heart emoji).”

Agad naman din nilang tinanggap ang aktor sa kanilang pamilya, sabi nga ni Ibyang at sinabing ito ang ikatlong lalaking anak nila. Ang una’t pangalawa ay sina Cong Arjo at ang bunsong si Xavi.

“Zanjoe Marudo, mula noon welcome ka na sa pamilya namin (laughing emoji). ginawa mo ng official noong 3-23-24.

“Sabi nga ng Daddy @xaviiart (Art Atayde) mo sa speech nya, ang aming pangatlong lalaking anak.

“Kaya officially welcome to the Family Z anak (heart emoji).”

Hindi rin itinago ni Sylvia kung gaano siya kasaya para kina Ria at Zanjoe.

Ang saya saya ng puso ko (praying hands emoji).

“I love you both so much Mr&Mrs Zanjoe Marudo.

“This is truly a Happy Easter Sunday to remember (praying hands and red heart emoji).” 

Ikinasal sa pamamagitan ng intimate civil wedding sina Ria at Zanjoe noong March 23, officiated by Quezon City Mayor Joy Belmonte. Present sa kasal ang mga magulang ni Ria na sina Sylvia at Art Atayde gayundin ang mga kapatid nitong sina Congressman Arjo Atayde  kasama ang asawang si Maine Mendoza, Xavi,at Gela Atayde. Ang tatay naman ni Zanjoe na si Zosimo Marudo, at mga kapatid na sina Zosanne, Zjaye, Zaniejean, at Zandro kasama ang asawa nitong si Evangeline ang sa aktor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …