Tuesday , January 21 2025

Cameroon national bugbog-sarado na, naholdap pa  
‘EYEBALL’ SA PINAY NAPALA AY BLACKEYE

040124 Hataw Frontpage

ni Almar Danguilan

IMBES eyeball, blackeye, mga pasa, sugat, at naholdap ang kanyang dalawang cellphone at cash, ang napala ng isang Cameroon national na nakatakdang makipagkita sa nakilala niyang babae sa isang online dating app.

Kinilala ang biktima na si Josue Kouamo Dzoute, 34, binata, info tech (IT), residente sa Brgy. San Andres, Cainta, Rizal.

Bugbog-saradoat hinoldap ng limang kalalakihan ang 34-anyos Cameroon national na makikipag-eyeball sana sa kaniyang nakilalang babae sa Facebook dating app sa Quezon City nitong Linggo ng madaling araw.

Nakatakas ang mga suspek na ang isa ay kinilalang si Marlon Austria Lucas, 43, nakatira sa Daropa Road, Baesa Road, Brgy. Baesa, Quezon City, at ang apat na kasabwat.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng – Quezon City Police District (CIDU- QCPD), bandang 2:00 am kahapon, Linggo, 31 Marso, nang maganap ang insidente sa eskinita ng Baesa Road, sa  Brgy. Baesa.

Sa imbestigasyon ni P/MSgt. Rhic Roldan Pittong, sakay ng Move It motorcycle na minamaneho ng testigo na si Vincent Dawang, nagtungo sa nasabing lugar ang biktima upang makipagkita sa isang alyas ‘Che Che’ na nakilala niya sa online dating app.

Pero nang makita ng suspek na si Lucas at ng apat na kasamang lalaki ang dayuhan ay dinala nila sa eskinita at doon ay pinagtulungang bugbugin.

Pagkatapos ay tinutukan ng kutsilyo ng mga suspek ang biktima at puwersahang kinuha ang kanyang Samsung FE S20 na nagkakahalaga ng P15,000.00, Vivo 1814 na nagkakahalaga ng P10,000, at P5,000 cash.

Humingi ng saklolo ang biktima sa mga opisyal ng barangay pero hindi na nila naabutan pa ang mga suspek.

Dinala sa ospital ang biktima dahil sa blackeye, mga sugat, at pasa sa katawan habang patuloy pang tinutugis ang mga suspek.

About Almar Danguilan

Check Also

Gun poinnt

‘High sa droga’ nagpaulan ng bala; 3 todas, 1 sugatan

PATAY ang tatlo katao habang sugatan ang isa pa matapos pagbabarilin ng isang lalaking pinaniniwalaang …

Lemery Batangas

Dinukot sa Makati
KOREANO NASAGIP SA BATANGAS

MATAGUMPAY na nailigtas ng mga awtoridad ang isang Korean national sa Brgy. Mayasang, bayan ng …

Drug den sa Bulacan binaklas ng PDEA Maintainer, 2 pa tiklo

Drug den sa Bulacan binaklas ng PDEA Maintainer, 2 pa tiklo

WINASAK ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bulacan Provincial Office ang isang …

FPJ Panday Bayanihan Brian Poe Llamanzares

Sa FPJ Panday Bayanihan: Interes ng tanod unahin

PARA sa mga tagapagtaguyod ng FPJ Panday Bayanihan partylist group, higit na angkop isulong ng …

Rodante Marcoleta

Rodante Marcoleta Emphasizes Transparency, Accountability, and Strategic Reforms in Governance

Senatorial candidate and Partylist Representative Rodante Marcoleta shared his views on critical national issues during …