Wednesday , January 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ysabel Ortega Santa Cruzan SWITCH FIBER

Santacruzan sa Binangonan ihinahanda na, tatampukan ni Ysabel Ortega!

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MATAPOS ang Mahal na Araw, nagpulong ang mga pangunahing komite ng nalalapit na Grand Santacruzan sa opisina ng SWITCH FIBER, pangunahing sponsor sa nasabing okasyon.

Kasama sa pulong sina Chairman Gil ‘Aga’ Anore, SK Chairman Carl Antiporda, mga SK Kagawad na sina Eriz Christian Barretto, Karl Mallari, Princess Anore Aquino, Erick Tajanlangit, pati na rin si GMA Kapuso at Event Coordinator na si Gomer O. Celestial.

Napagkasunduan na gawing Inter-Barangay – Mainland ang mga lalahok sa Santacruzan Alay sa “Pista ng Krus.”

Dahil dito, ang bayan ng Binangonan, Rizal ay isa sa itinuturing na mayaman sa kultura at tradisyon. Isa sa mga kaugalian ng mga taga-Binangonan ang paggunita sa pagkakatagpo sa Mahal na Krus sa Brgy. Libid na matatagpuan ang Kalbaryo, na lalong pinapaayos at pinapaganda.

Ang pagdiriwang na ito ay nagiging pasyalan ng mga lokal at dayuhang turista, na magsasadya rito para sa siyam na araw na panalangin (lutrina) bilang parangal sa Krus. Ang tema ng pagdiriwang ay Kultura, Kabataan, Pag-ibig, at Pasasalamat.

Sa magaganap na pagdiriwang sa Mayo 5, 2024, sa ganap na ika-5 ng hapon, bahagi ng nasabing pagdiriwang ang Biblical Grand Santacruzan 2024. Pangungunahan ng maganda at mahusay na Kapuso actress na si Ysabel Ortega, bilang pangunahing Reyna Elena. Gagamitin ni Ysabel ang gown na likha ni Patricia Bella Sison.

Ito ay sa pangangasiwa ng Sangguniang Barangay ng Libid, Sangguniang Kabataan ng Libid, at SWITCH FIBER.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Maricar Aragon

Benefit concert ni Maricar Aragon matagumpay

MATABILni John Fontanilla DINUMOG ang kaatatapos na benefit concert ng singer na si Maricar Aragon, ang Me …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley napakahusay sa Bar Boys: After School 

MATABILni John Fontanilla ISA sa hinangaan sa entries ngayon sa Metro Manila Film Festival 2025 ay ang …

Kathryn Bernardo Mark Alcala

Kath at Marc magkasama noong New Year

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HAYAGAN na ang pagkukompara ng mga netizen kina Kaila Estrada at Kathryn Bernardo. May …

GMA ABS-CBN TV5

TV5, GMA, ABS-CBN game na game sa labanan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXCITING nga ang TV network wars this 2026. Sa aminin man …

MMFF 2025 Movies

MMFF entries bigong maabot bilyong kita sa takilya

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HAPPY New Year mga Ka-Hataw. Nakaka-sad naman ang balitang five days …