Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marian Rivera My Guardian Alien

Marian sa alien—parang ang sarap niyang maging kaibigan

RATED R
ni Rommel Gonzales

NATANONG ang Kapuso Primetime Queen, Marian Rivera kung naniniwala ba siya na totoong may alien bilang isang alien ang papel niya sa My Guardian Alien.

Dahil ginawa ko ito, oo. Kaya manood kayo. Malay niyo, magpakita sa inyo,” at tumawa si Marian.

Pero naniniwala nga ba siya na nag-e-exist ang alien?

Hanggang ngayon naman hindi,” at muling natawa si Marian.

Minsan kasi, mahirap paniwalaan ang mga bagay na hindi mo nakikita, ‘di ba? Mahirap sabihin na oo, pero hindi mo naman nakikita.

“Ngayon kasi, ang pinagbabasehan natin, ‘yung nakikita.”

Tinanong ni Marian ang katabi niya sa  mediacon at co-star na si Max Collins kung naniniwala ba ito at sinagot siya nito ng oo. 

Sinegundahan ito ni Marian sa pagsasabing, “Naniniwala kaming lahat.”

Tinanong ulit si Marian ng sagot niya, at nakangiti nitong sinabi na, “Maniniwala ako. Kasi ang ganda ng kuwento niya.

“Kung totoong may ganitong klase ng alien sa mundo ng mga tao, parang ang sarap niyang maging kaibigan.”

Leading man ni Marian (bilang Katherine) sa si Gabby Concepcion bilang Carlos at kasama sina Raphael Landicho as Doy, at Max Collins as Venus.

Kukompleto sa cast sina Gabby Eigenmann as Dr. Ceph, Marissa Delgado as Nova, Kiray Celis as Marites, Josh Ford as Aries, Caitlyn Stave as Halley, at Christian Antolin as Sputnik.

Mapapanood ito weeknights sa GMA Prime simula April 1.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …