Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Albie Casino Kasalo

Albie may hugot pa rin kay Andi

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAGPAKATOTOO lamang siguro si Albie Casino nang tanungin ito sa presscon ng bagong Vivamax Original movie niyang Kasalo kung nakiramay ba siya kay Andi Eigenmann sa biglaang pagkamatay ng ina nitong si Jaclyn Jose noong Marso 2. 

Sa presscon ng Kasalo noong Sabado sa Viva Cafe na mapapanood na sa March 26 sa Vivamax kasama sina Vern Kaye at Mia Cruz, walang kagatol-gatol na sinabi ni Albie na alam niyang hindi siya welcome sa burol ng namayapang aktres kaya bakit pa raw siya pupunta.

Kaya siguro ganito ang sinabi ni Albie ay dahil hanggang ngayon hindi pa rin sila okey ni Andi matapos iturong siya ang ama ng nooy ipinagbubuntis pa lamang na si Ellie na pagkaraan  inamin ni Jake Ejercito na siya ang tunay na ama ng bata.

Kaya nang matanong si Albie sinabi nitong, “Unang-una, I just wanna say rest in peace Ms. Jane (tunay na pangalan ni Jaclyn), at saka condolences sa lahat ng tao na nagmamahal sa kanya. Pero hindi naman ako apektado roon.” 

Idinugtong pa nitong, “I don’t think my presence would be welcome there, so bakit ako makikiramay, ‘di ba?”  

Sa kabilang banda, ‘bumigay‘ na talaga si Albie at sumabak sa matitinding eksena kasama sina Vern at Mia. Talaga namang bigay na bigay at tiyak na marami ang mapapa-wow! sa mga maiinit na eksena ng tatlo.

Ang Kasalo ay ukol sa mga nakakalokang karanasan ng mga pasahero sa mga ride-hailing company mobile app. Ito ay idinirehe ni HF Yambao at mapapanood na simula  March 26, sa Vivamax.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …