Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rica Gonzales Mapanukso

Rica Gonzales, nagka-stiff neck dahil sa mainit na lampungan

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAPAPANOOD na ngayon ang pelikulang Mapanukso sa Vivamax.

Kuwento ito ng isang grupo ng macho dancers na kailangang lumaban sa mga pagsubok ng buhay, sa paraang ayaw man nila, para makaraos lang.

Ang pelikula ay pinagbibidahan nina Sean de Guzman, Itan Rosales, Marco Gomez, Mon Mendoza, at Calvin Reyes.   

Kasama rin dito ang aktres na si Rica Gonzales, pati na ang mga hottie na sina Tifanny Grey at Ataska.

Si Rica bilang si Mica ay gumaganap bilang lover dito ni Sean. Ibinahagi ng sexy actress ang papel niya sa pelikula.

Aniya, “Bale sa movie ay regular customer po ako sa The Den and no label relationship po kami ni Carlo (Sean). So bale, ibig sabihin po ay purely sex lang ang relasyon namin.”

Ang description niya ng love scene nila ni Sean, manamis-namis daw.

Bakit? Esplika ni Rica, “Manamis namis po ang love scene namin ni Sean, yung love scene po kasi namin ay may kasama pong whipped cream, hahaha!”

So, napuno ng whipped cream yung katawan nila pareho ni Sean habang naglalampungan?

“Ako lang po,” matipid na pahayag pa ni Rica.

Sa lamesa raw naganap ang romansahan nila ng aktor na kargado sa pampainit.

“Yes po hot na hot po ang love scene namin dito ni Sean… na iyong love scene namin ay sa lamesa po nangyari,” pakli pa ni Rica.

Nahirapan ba siyang makipaglampungan sa mesa?

Natatawang esplika ni Rica, “Medyo mahirap pong makipag-love scene dahil matigas iyong lamesa, hahaha!

“Actually, na-stiff neck po ako after ng love scene po namin ni Sean. Naipit po kasi iyong buhok ko sa braso ni Sean habang nagla-love scene po kami, hahaha!” Aniya pa sabay banat ng malulutong na tawa. 

Dagdag pa ng hot na hot na talent ni Ms Len Carrillo.

“Si Sean naman po, very caring siya pagdating sa love scenes po, he always asks permission naman po every positions na gagawin namin pagdating talaga sa maseselang eksena po.”

Si Rica ay 20 years old at 2nd year college sa PATTS College of Aeronautics ng kursong Bachelor of Science in Air Transportation. 

Nakakailang projects na rin ang aktres at nabigyan ng launching film si Ruca via Hibang na napapanood na rin ngayon sa Vivamax.

Nagpasalamat ang dalaga sa kanilang manager sa napakalaking break na ibinigay sa kanya para magkaroon ng puwang sa mundo ng showbiz.

Sinabi rin ng aktres na thankful siya sa opportunity kaya pagbubutihin talaga niya ang kanyang trabaho.

Nakangiting pahayag ni Rica, “Sobrang, naglu-look forward po talaga ako sa mga upcoming projects ko po and promise ko po na gagalingan ko po talaga ang bawat project na gagawin ko para ma-satisfied po ang mga manonood.”

Anyway, tampok din sa pelikulang Mapanukso sina Apple Castro at Cath Ventura.

Showing na ngayon sa Vivamax ang Mapanukso na mula sa panulat ni Quinn Carrillo at sa pamamahala ni Direk Abdel Langit.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …