Monday , December 23 2024

Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Under-18 Championship 2024

MAGSISIMULA ang Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Under-18 Championship 2024 ngayong linggo simula sa Biyernes na may tig-tatlong laro sa men’s at women’s division sa Rizal Memorial Sports Complex.

Haharapin ng University of Santo Tomas (UST) ang Kings’ Montessori School sa ganap na 10am sa women’s pool A na susundan ng Colegio de Los Baños at National University game sa 11:30am sa women’s pool B, San Juan Institute of Tech-Batangas meets Canossa Academy sa Lipa sa 1pm sa women’s pool B sa Biyernes.

Philippine Christian University (PCU) at Canossa Academy sa Lipa square off sa ganap na 2:30pm sa men’s pool A, habang ang Batangas Christian School ay magsasagupa sa Angatleta-Orion Bataan sa 4pm sa men’s pool A, Taytay Rizal ay makakabangga laban sa Aguaveia Volleyball Club sa 5:30pm sa men’s pool B.

Kabuuang 12 team ang bawat isa na hinati sa dalawang pool sa men’s at women’s divisions ay maglalaban sa limang weekend (Biyernes, Sabado at Linggo) mula Marso 22 hanggang Abril 28 na karamihan ay binubuo ng mga estudyante.

“Kami ay masaya na ipahayag ang pagsisimula ng U-18 volleyball na magsisilbing ating grassroots component para sa ating mga magiging pambansang koponan,” sabi ni PNVF President Ramon “Tats” Suzara. “Sa ngayon, maayos at maganda ang turnout ng mga kalahok.”

Sa Sabado, sasalubungin ng VNS Savouge ang Colegio de Los Baños sa men’s pool B sa 10am, ang Umingan Pangasinan ay lalaban sa Hermosa Bataan sa 11:30 am sa men’s pool B, at ang De La Salle-Lipa ay makikipagsagupaan laban sa Canossa Academy Lipa sa 1pm sa men’s pool A aksyon.

Sa women’s, Canossa laban sa De La Salle Lipa sa ganap na 2:30 ng hapon sa pool B, ang Kings’ Montessori School ay makakatagpo ang Limitless Sports Center sa 4 p.m. sa pool A, at ang De La Salle Santiago Zobel ay magde-debut sa 5:30pm sa pool A laban sa Graceland Christian College.

Sa Linggo, sisimulan ng Parañaque City ang kampanya laban sa National University sa 10am sa women’s pool B, ang De La Salle Lipa ay makakalaban ng San Juan Institute of Tech-Batangas sa women’s pool B sa 11:30am, ang Maryhill College Lucena

Sa men’s side sa hapon, lalabanan ng De La Salle Lipa ang PCU sa 2:30pm sa pool A, kasunod ang Aguaveia Volleyball Club at Umingan Pangasinan game sa 4pm sa pool B, at Hermosa Bataan meets VNS Savouge sa 5:30pm sa pool B .

Ang kumpetisyon, ay  magkakaroon ng 80 matches, ay nakatakda sa isang best-of-three sets sa elimination round para sa men’s at women’s ngunit aangat sa best-of-five sets patungo sa quarterfinal, semifinal classification at final plays. (Hataw News Team)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …