Monday , December 23 2024
PNP PRO3

PRO3 handa na para sa Semana Santa 2024

BILANG huling pagsisikap na matiyak ang kaligtasan at seguridad ng pangkalahatang publiko sa pagdiriwang ng Semana Santa, ipinahayag ni PRO 3 Regional Director P/BGen. Jose Hidalgo, Jr., na mahigit 1,000 PNP personnel mula sa iba’t ibang yunit ng pulisya sa Central Luzon ang ipakakalat sa buong rehiyon mula 25 hanggang 31 Marso.

“Inaasahan namin ang pagdagsa ng mga pasahero sa mga terminal ng bus at kasabay nito ay inaasahang daragsa rin ang mga peregrino at deboto sa mga lokal na simbahan at mga pilgrimage sites lalo sa Huwebes Santo at Biyernes Santo. Kaya naman iniutos ko na rin ang maximum deployment ng ating mga tauhan at hiningi ko rin ang suporta ng iba pang mga yunit ng pulisya sa loob ng rehiyon.

Humingi rin kami ng suporta sa aming mga force multipliers at auxiliary forces na isama ang aming mga BPAT (Barangay Peacekeeping Action Teams) at Radio net groups para matulungan kaming matiyak ang kaligtasan ng publiko,” saad ni P/BGen. Hidalgo.

Dagdag ng opisyal, kanilang paiigtingin ang presensiya ng pulisya sa pamamagitan ng pagpapalakas ng foot/mobile patrols at itinatag na Police Assistance Desks/Centers (PADs/Cs).

Gayondin, ang mga road safety marshals ay ipakakalat sa mga convergence point partikular sa mga terminal ng bus, paliparan, mga daungan at mga recreational area kabilang ang mga highway, pangunahing daanan at mga lugar na madaling kapitan ng krimen upang matiyak ang pinakamataas na presensiya ng pulisya.

Ang mga tauhan ng PNP sa buong rehiyon ay magbibigay ng seguridad sa lugar sa mga simbahan at kapilya sa Linggo ng Palaspas na pagsisimula ng Semana Santa.

“Ang Semana Santa ay panahon para sa espirituwal na pagninilay-nilay para sa ating mga debotong Katoliko at nais naming isagawa nila ang kanilang mga aktibidad nang walang pag-aalala. Kami ay nangangakong tiyakin ang kanilang kaligtasan at panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa isang linggong pagdiriwang ng Semana Santa,” ani P/BGen. Hidalgo. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …