Monday , December 23 2024
13 tulak, 5 MWPs  timbog sa Bulacan

13 tulak, 5 MWPs  timbog sa Bulacan

ARESTADO ang may kabuuang 18 indibiduwal, pawang mga lumabag sa batas sa mga operasyon ng pulisya laban sa kriminalidad na isinagawa sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Miyerkoles ng umaga, 20 Marso.

Sa ulat na natanggap ni P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, nagresulta sa pagkakadakip sa 13 pinaniniwalaang mga talamak na tulak ang serye ng buybust operations na ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit ng Meycauayan CPS, Sta. Maria, Marilao, Guiguinto, San Ildefonso, at Plaridel MPS.

Nakompiska sa operasyon ang kabuuang 24 plastic sachet ng hinihinalang shabu, may timbang na 14.97 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P101,836; drug paraphernalia, at buybust money.

Gayondin, sa serye ng manhunt operations na inilatag ng tracker teams ng magkasanib na mga operatiba ng Bulacan 2nd PMFC at San Jose Del Monte CPS; Bulacan 1st PMFC, RMFB 3, Balagtas, at Bocaue MPS; RMFB 3; at Sta. Maria MPS, dinakip sa bisa ng warrant of arrest ang lima kataong pinaghahanap ng batas.

Pahayag ni P/Col. Arnedo, ang pagsisikap ng pulisya ay binibigyang-diin ang hindi natitinag na dedikasyon nila sa pagtataguyod ng kaligtasan ng publiko at paglaban sa mga krimen at iba pang ilegal na mga gawain sa loob ng lalawigan. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …