Monday , December 23 2024
Las Piñas City nagdiriwang sa tagumpay ng serbisyo publiko

Las Piñas City nagdiriwang sa tagumpay ng serbisyo publiko

NAGDIRIWANG ang lokal na pamahalaang lungsod ng Las Piñas sa matagumpay at napakahusay na kontribusyon ng ilang mahahalagang opisyal kasabay ng seremonya ng pagtataas ng watawat ng bansa sa bisinidad ng city hall kahapon.

Pinuri nina Vice Mayor April Aguilar at DILG-NCR Las Piñas City Director Patrick John Megia si City Chief of Police, Colonel Sandro Tafalla at kanyang team dahil sa katangi-tanging liderato sa Las Piñas City Police Station bunga ng matagumpay na police operations na nagbigay ng kaligtasan at kaayusan sa lungsod.

Ginawaran din ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang Barangay Almanza Uno na nagkampeon sa public safety preparedness sa idinaos na 11th Inter-Barangay Fire Olympics nitong 16 Marso.

Ang naturang parangal ay sumasalamin sa pangako sa komunidad sa pagpapabuti ng pulisya sa kanilang pagtugon at kakayahan ukol sa kaligtasan sa sunog at kung paano ito maiiwasan.

Samantala, binigyang pagkilala ni Mayor Imelda Aguilar ang Business Process and Licensing Office (BPLO) sa pamumuno ni Ginoong Wilfredo Garlan dahil sa magagandang puna na natanggap mula sa Las Piñeros para sa mabisa at epektibong mga serbisyo ng naturang tanggapan. (EJ DREW)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …