COOL JOE!
ni Joe Barrameda
NAKATUTUWA ang preskon ng Best Time Ever na magkakasama ang mga character at host ng iba’t ibang programa ng GMA at masaya silang nagtsitsikahan habang ongoing ang mediaccon. Parang noon lang sila nagkita-kita.
Kung very active at masaya si Marian Rivera sa nangyayari sa kanyang pagbabalik-showbiz ay masaya naman si Dingdong Dantes sa mga programa na kanyang ginagawa bukod pa sa matagumpay na The Rewind movie.
May upcoming movie project din siyang gagawin gaya ni Marian. Pero magkahiwalay silang mag-asawa.
Ayon kay Dingdong ito ‘yung matagal na nilang planong project with Charo Santos-Concio. Wish ni Dingdong na makarating sa Iceland na narating na ni Paolo Contis. Kaya tuloy-tuloy ang mga programa ni Dingdong.