Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ysabelle Palabrica Vehnee Saturno

Newbie singer na si Ysabelle ire-revive Kaba ni Tootsie

RATED R
ni Rommel Gonzales

ANAK ni Bingawan City (of Iloilo) Mayor Mark Palabrica ang newbie female singer na si Ysabelle Palabrica.

Paano maging anak ng isang mayor, tanong namin kay Ysabelle.

Okay lang po,” ang simpleng sagot ni Ysabelle.

At taliwas sa inaakala ng iba, wala siyang anumang special treatment na natatanggap, ni wala siyang bodyguard sa school.

At lalong hindi siya spoiled at nae-enjoy naman niya ang pagiging teenager.

Pero dahil susubok si Ysabelle na maging singer, handa siya na kapag bongga na ang showbiz career niya ay mababawasan ang privacy bilang isang regular teen.

At kahit maging abala na siya as a singer, priority ni Ysabelle ang kanyang edukasyon kaysa pagiging singer o artista. Hindi niya pababayaan ang kanyang pag-aaral kahit maging abala na siya sa showbiz.

Ire-revive ni Ysabelle ang hit song ni Tootsie Guevarra na Kaba sa tulong ng mentor ni Ysabelle, ang music icon na si Vehnee Saturno.

Si Vehnee ang composer ng Kaba at marami pang hit and classic songs na tulad ng Be My Lady(Martin Nievera), Forever’s Not Enough (Sarah Geronimo), Sana Kahit Minsan (Ariel Rivera), Dahil Tanging Ikaw (Jaya), Till My Heartaches End (Ella May Saison), Bakit Pa (Jessa Zaragoza), at Kahit Konting Awa (Nora Aunor), among others.

Isa pa sa mga proyekto ni Ysabelle ay ang Youtube show Krazy-x You na para sa mga teen na katulad ni Ysabelle.

Ito ay sa direksiyon ni Obette Serrano at concept ng manager ni Ysabelle na si Audie See.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …