Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rio Locsin Ruru Madrid

Rio sa wagas na paghagulgol — ‘di ako makabitaw sa napakataas na emosyon

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAGBIGAY ng paglilinaw si Rio Locsin tungkol sa nag-viral niyang video na wagas ang paghagulgol habang kayakap at inaalo ng Black Rider co-star niyang si Ruru Madrid.

May mga netizen na mema lamang ang nag-akusa agad na kesyo wala man lang daw medic sa set ng taping na tumulong sa aktres kahit na tila hirap itong huminga.

Sa statement na inilabas ng aktres ay ibinahagi nitong nadala lamang siya sa mabigat na eksenang drama kaya kahit cut na at hindi na nagro-roll ang kamera ay hindi pa niya mapigilan ang kanyang emosyon.

Lahad ni Rio, “Tama po kayo, hindi ako nakabitaw agad sa napakataas na emosyon na kinakailangang ibigay sa eksena kasi apat na tuloy-tuloy na eksena na maraming namatay at isa-isa naming nakikita.

“May mga medic kami sa set, may ambulance rin. Kaya hindi totoo na walang medic na tumutulong, nagkataon lang na hindi ko naman talaga kinailangan na magpa-medic noong oras na ‘yon, but anytime, andiyan lang sila.

“Hindi rin totoo na inatake ako ng hika, wala po akong hika.”

Hindi rin daw siya pinabayaan ni Ruru, inalalayan siya ng aktor at pinakalma.

“Hindi talaga ako iniwan ni Ruru pagkatapos ng mabibigat naming eksena.”

At sa bigat ng naturang eksena, hiling pa ni Rio na sana raw ay maramdaman ito ng mga manonood kapag napanood nila ang mga eksena.

“Sa abot ng aming makakaya, kung ano ang nararamdaman namin sa eksena, kami ni Ruru, parehong damdamin at puso ang ipinaaabot namin sa mga manonood, na nawa’y maipaabot namin ‘yung emosyon na nararamdaman namin para sa mga eksena,” saad pa ng aktres.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …