Wednesday , January 15 2025

P4P naalarma sa $3.3-B mega LNG deal

031524 Hataw Frontpage

NABABAHALA ang energy watchdog group Power for People Coalition (P4P) sa pagsasanib-puwersa ng  tatlong higanteng kompanya na magpapatakbo sa $3.3-bilyong imported liquefied natural gas (LNG) plant bilang single entity na pinangangambahang dagdag salik sa pagtaas ng presyo sa singil ng koryente.

Nagbabala rin ang P4P na ang pagsasanib-puwersa ng San Miguel Corp (SMC), Manila Electric Co., at Aboitiz Power Corp., para sa naturang deal ay magkakaroon ng sabwatan.

“P4P is considering its options as this deal raises red flags about cross-ownership in the power industry and the possibility of collusion among power generation companies. For now, P4P urges both the Energy Regulatory Commission and the Philippine Competition Commission to take action to protect the interest of consumers,” ani P4P Convenor Jerry Arances sa kanyang ipinadalang email sa mga media.

Tinukoy ng P4P na ang pagsasanib-puwersa ng tatlong kompanya  ay pinahihintulutan ang Meralco at Aboitiz na makakuha sa SMC LNG facilities sa Batangas na humawak ng imported LNG.

Ang pagsasanib-puwersa ay naganap isang linggo matapos ipagkaloob ng Meralco ang 2.4 gigawatts na bagong power supply agreements (PSA) para bigyan ng kapangyarihan ang kompanya na pangasiwaan ang paggamit ng  imported LNG sa SMC Batangas facilities.

Ang Meralco ay bahagi ng pagsasanib-puwersa sa pamamagitan ng MGen power generating arm.

Sa kanilang pagsasanib napagkasunduan na ang Meralco ang magmamay-ari ng 40 porsiyento mula sa Ilijan LNG Power Plant na orihinal na pag-aari ng SMC at Excellent Energy Resources LNG Power Plant, na nahigitan ang shares na pag-aari ng Aboitiz at SMC.

Sa pangyayaring ito, malinaw na prangkisa ng Meralco ay power distribution lang at magiging producer siya ng koryente na mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA).

“In January, Meralco gave away 80 percent of its new power requirements to these two SMC gas plants based on terms that give consumers the short end of the stick. Now, we learn that Meralco, all this time, was intending to buy those plants, and would be directly benefiting from expensive costs of fuel passed on to consumers. This is clearly robbery in broad daylight,” dagdag ni Arances.

“Ang SMC, Aboitiz, at Meralco ay hinahangad din makuha ang adjacent liquefied natural gas import at regasification terminal na pag-aari ng Atlantic Gulf & Pacific Company with Linseed field Power Corporation.”

Ayon sa P4P, ang mga hakbanging ito ay maliwanag na paglabag sa tunay na layunin ng EPIRA na maliwanag na ipinagbabawal ang conflict-of-interest sa  power industry at gayondin sa pag-aari ng  generation at distribution utilities.

Maliwanag sa batas ang pagkakaroon ng kompetisyon upang maging mababa ang singil sa koryente at hindi maabuso.

“Government authorities should put a stop to this madness. Letting SMC, Meralco and Aboitiz as they are would be a disservice to consumers,” pagwawakas ni Arances. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Arrest Caloocan

2 holdaper timbog sa Caloocan

ARESTADO ang dalawang hinihinalang holdaper sa ikinasang follow-up operation ng mga awtoridad sa 8th Ave., …

Cold Temperature

Baguio temp bumagsak sa 13.8 degrees Celsius

LALONG bumaba ang temperatura sa lungsod ng Baguio nang umabot ito nitong Lunes, 13 Enero, …

Iglesia ni Cristo INC PEACE RALLY Quirino Grandstand

Sa Quirino Grandstand sa Maynila
HIGIT 1.5-M MIYEMBRO NG INC NAGTIPON PARA SA ‘PEACE RALLY’

UMABOT sa higit 1.5 milyong kasapi at tagasuporta ng Iglesia ni Cristo (INC) ang nagtipon …

011425 Hataw Frontpage

4-ANYOS NENE, AMA NATAGPUANG PATAY SA ISANG MAKATI CONDO  
Murder-suicide tinitingnang anggulo

NATAGPUANG wala nang buhay ang isang 22-anyos lalaki at kaniyang 4-anyos anak na babae sa …

Chavit Singson Vbank VLive

Manong Chavit pinahalagahan kalusugan, pagtakbong senador iniatras

“MGA kaibigan, mahalaga na maayos ang kalusugan para magpatuloy ako sa pagtulong at magbigay ng …