Sunday , December 22 2024
PNP QCPD

P472-K shabu, armas nakuha sa 3 tulak sa QC

INIHAYAG kahapon ni PBrig. Gen. Redrico A Maranan,  Quezon City Police District (QCPD) Director, ang pagkakakompiska ng P472,000 halaga ng shabu at baril  sa magkahiwalay na buybust operation sa lungsod.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Jerry Castillo, hepe ng Batasan Police Station 6, ang nadakip ay kinilalang si William Christian Gali, 28 anyos, at Joanna Martin, 24 anyos, kapwa residente sa Brgy. Batasan Hills, Quezon City.  Sila ay nadakip dakong 6:30 pm nitong Miyerkoles, 13 Marso 2024, sa IBP Road, Pook Pag-asa, Brgy. Batasan Hills.

Nakompiska sa dalawa ang 40 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P272,000. Nakarekober din ang pulisya ng isang kalibre .45 pistol, may lamang apat na bala, at isang cellular phone.

Samantala, ayon kay P/Lt. Col. Leonnie Dela Cruz, station commander ng Payatas Bagong Silangan Police Station (PS 13), kanilang naaresto si John Clark Casugbo, 25 anyos, residente sa Payatas, Quezon City.

Naaresto si Casugbo dakong 9:35 pm, Miyerkoles,  13 March 2024,  sa  Sto. Ñino St., makaraang makompiskahan ng  30 gramo ng shabu na nagkahalaga ng  P204,000.

Ang mga suspek ay kakasuhan ng paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Si Gali ay kakasuhan din ng paglabag sa RA 10591, (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) sa Quezon City Prosecutor’s Office.

“Nais kong ipaabot ang aking pagpupugay sa mga operatiba ng PS 6 at PS 13 sa ilalim ng pamumuno ng kani-kanilang station commanders para sa kanilang walang humpay na pagsisikap sa kampanya laban sa ilegal na droga, na nagresulta sa pag-aresto sa mga suspek at pagkompiska ng mga ebidensiya. Ipinapakita lamang nito ang ating patuloy na determinasyon na ipatupad ang batas laban sa kriminalidad, lalo ang laban kontra sa ilegal na droga, bilang pagtugon sa pangangailangan na protektahan ang ating mga mamamayan dito sa ating Lungsod,” pahayag ni Maranan. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …