Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Konsehal, 1 pa nasakote sa P6.8-M shabu

031524 Hataw Frontpage

DALAWA katao kabilang ang isang konsehal, ang naaresto ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) makaraang makompiskahan ng P6.8 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buybust operation sa Quezon City nitong Miyerkoles ng gabi.

Sa ulat ng PDEA, pinangunahan ng PDEA National Capital Regional Office ang operasyon na nagresulta sa pagkakadakip kina Norhan Haron Ampuan, 31 anyos,  No. 3 Municipal Councilor sa Maguing, Lanao del Sur; at Jalanie Haron Mama, 30 anyos.

Nadakip ang dalawa nitong Miyerkoles, 13 Marso 2024, dakong 8:45 pm sa kahabaan ng Don A. Roces Ave., Brgy. Paligsahan, Quezon City.

Nakuha sa mga suspek ang isang kilong shabu na nakalagay sa plastic sachet na nagkakahalaga ng P6,800,000.

Kakasuhan ang dalawa sa paglabag sa Section 5  in relation to section 26, Art. Il ng RA 9165. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …