Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Thea Tolentino

Thea Tolentino hindi na 3rd party

RATED R
ni Rommel Gonzales

FOR a change hindi ako third party,” ang natatawang kuwento ni Thea Tolentino tungkol sa bago niyang pelikulang Take Me To Banaue. “For a change.

Pero ‘yung characters namin ni Maureen is hindi nagtagpo rito. Pero ‘yung characters namin ni Brandon nagtagpo and may scene na pinag-uusapan namin si Maureen and that’s how I know her lang thru the entire movie, ganoon lang.

“Pero rito sa movie na ito kakaiba kaysa mga ginawa kong roles kasi usually kontrabida ‘yung roles ko, at saka very serious ‘yung roles ko rito sa pelikula. I explored the comedic side of acting naman.”

Gumaganap si Thea sa movie bilang si Jinky na bida rin sina Brandon Melo (Hank), isang Amerikanong aktor at Maureen Wroblewitz (Grace). Kasama rin sina Boobay, MJ Lastimosa, at another American actor na si Dylan Rogers.

Sobrang thankful ako for this opportunity kasi it’s really something new na iyon nga, pumunta sa ibang bansa and ngayon na makikita ‘to ng mga Filipino rito sa Pilipinas, sobrang nakakakaba pero at the same time sobrang nakakataba ng puso.”

Unang proyekto rin ito ni Thea na may mga kasamang American actors tulad nga nina Brandon at Dylan.

Yes po, it’s my first.”

Kumusta?

Sobrang nakakakaba,” unang bulalas ni Thea. “Noong una kasi iniisip ko na baka different ‘yung styles ng acting when it comes sa US at saka rito sa Pilipinas, pero parang parehas lang naman pala.

“And I’m very blessed to be part of this film kasi ‘yung lahat ng kasama kong artista rito they’re very kind, talagang approachable, wala kang mapi-feel na pressure, talagang nag-e-enjoy lang sa set, and that is important para magawa ko ng maayos ‘yung trabaho ko.”

Mapapanood ang pelikul via streaming sa www.takemetobanauefilm.com. Ito ay isinulat nina Jason Rogers at Danny Aguilar (na siya ring direktor ng pelikula) at line-produced naman ni Monch Bravante, mula sa Carpe Diem Pictures.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …