Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ariel Rivera Gelli de Belen Wilbert Lee Sherilyn Reyes-Tan Patricia Tumulak

Gelli sikreto ng matatag nilang pagsasama ni Ariel ibinahagi

RATED R
ni Rommel Gonzales

ISA sina Gelli de Belen at mister niyang si Ariel Rivera sa pinakamatibay at matatag na relasyon sa showbiz. Ano ang maaaring ibahagi ni Gelli sa mga mas nakababatang showbiz couples para magtagal din ang pagsasama?

Siguro talagang ano, kapag mahal mo ang isang tao, kapag nahihirapan kang masyado at sumasama ugali mo baka 

mamaya… it’s time to move on,” at tumawa si Gelli.

But pinaka-importante talaga,” pagpapatuloy pa ni Gelli, “‘yung kompleto ka na sa sarili mo, huwag mong iaasa sa kanya ‘yung kaligayahan mo.

“Kailangan maligaya ka on your own. You love yourself, you’re happy to be yourself and happy with yourself, iyon ang importante bago ka puwede talagang may makasama na magwo-work.

“Kasi ang tendency is kung marami kang insecurities, hindi ka happy sa sarili mo, hindi ka proud kung sino ka, hahanapin mo sa ibang tao ‘yung happiness at pride na ‘yun, eh.

Kawawa sila dahil hindi nila maibibigay sa iyo ‘yun ng buong-buo. So, kailangan buo ka muna.”

Ganoon sila ni Ariel.

At saka siyempre pag may mahal ka di ba parang gusto mo talagang mag-give? Huwag kang magbilang, na kung ilan ang ibinigay mo, kung ilan ang ibinigay mong bulaklak, kung ilan ang binigay mo na service sa kanya.

“Huwag mong bibilangin. Basta if you love someone give it! If it doesn’t come back, it doesn’t come back pero happy ka kasi binigay mo…”

Taong 2019 huling napanood si Gelli sa GMA (sa seryeng Beautiful Justice) at makalipas ang limang taon ay nagbabalik-Kapuso bilang host naman ng Si Manoy Ang Ninong Ko.

Bakit matagal siyang hindi nagkaroon ng proyekto sa GMA?

Well kasi napunta ako sa TV5,” at tumawa si Gelli, “matagal din ako sa TV5, and eventually after TV5 hindi muna ako nag-host.

“Nag-teleserye, kung ano-ano, pinasok ko. Tapos I’m back,” bulalas pa ng actress/TV host.

Kasama ni Gelli na mga host ng public service program na Si Manoy Ang Ninong Ko sina Agri Party-list Wilbert Lee, Sherilyn Reyes-Tan, at Patricia Tumulak.

Mapapanood ito tuwing Linggo, 7:00 a.m., sa GMA.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …