NAGSAGAWA kamakailan ang SM Foundation at ang kanilang mga partners ng medical at dental mission sa Sta. Ana, Cagayan Valley at Santiago, Isabela, biglang pagpapatuloy ng kanilang misyon na palakasin ang kalusugan sa mga komunidad na nangangailangan.
Sa pakikipagtulungan sa BDO Network, JCI Cauayan Bamboo, at ang Local Government Unit ng Isabela at Cagayan, matagumpay ang inisyatibang ito sa rehiyon ng Cagayan sa pagbibigay ng mahigit 600 na serbisyong pangkalusugan, kabilang ang medical consultations, dental services, sugar tests, uric acid tests, cholesterol tests, x-rays, at ECGs.
Upang palawigin ang serbisyo, nagtungo rin ang SM Group sa Santiago, Isabela noong Marso 7 para sa isa pang yugto ng iba’t ibang medical at dental services para sa halos 800 na pasyente.
Kasama sa pagsasagawa ng programang ito ang mga partner na kinabibilangan ng BDO Network, SM Supermalls, JCI Cagayan Valley Region, LGU ng Sta. Ana, Cagayan, PNP, MDRRMC Sta. Ana, at Cagayan Valley Medical Center.
Sa pamamagitan ng kanilang medical missions at pakikiisa sa mga partners, patuloy ang SM Foundation sa paghahatid ng ng mga pangunahing serbisyong pangkalusugan sa kanilang mga benepisyaryo.