Friday , November 15 2024
Junar Labrador

Junar Labrador, sasabak sa kanyang 9th year sa Martir Sa Golgota bilang si Caiphas

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NGAYONG taon ay muling sasabak si Junar Labrador sa annual senakulong Martir sa Golgota ni Direk Lou Veloso. Muli niyang gagampanan ang papel ni Caiphas.

Last year ay gumanap si Junar bilang Pontio Pilato. Sa mga nagdaang taon, ang mga papel na natoka sa kanya ay bilang sina Annas, Caiphas, at Dimas.

Nagkuwento si Junar hinggil sa kanilang musical play.

Aniya, “On going ang rehearsals, we have everyday rehearsals sa Sta. Ana Arts Center sa Plaza Hugo Sta. Ana, po. Last week ng February po nag-start ang rehearsals.

“Wala pang final dates ang shows… pero definitely ang isang show ay sa Sta. Ana itatanghal.”

Esplika pa ni Junar na isang movie actor at architect din, “Actually kinukompleto pa rin ang casts ng show, pero more or less yung main cast ay buo na.”

This year si Lance Raymundo ang gaganap na Hesus.

Nabanggit niya kung anong klaseng experience ang Senakulong ito para sa kanya.

Pahayag ni Junar, “Bale every year naman po sa akin is a challenge, para maisalarawan ng tama o kung hindi man po ay malapit sa katotohanang naganap sa buhay ng ating Hesukristo.”

Aniya pa, “Halos taon-taon naman po ay ang usual na mga co-stars ko ang nakakasama ko sa pagtatanghal, gawa ng ang Tanghalang Sta. Ana ay binuo ni Kon. Lou Veloso para sa mga taga-Sta. Ana bilang Community Theater at sa loob ng 35 taon ay nagaganap ito tuwing panahon ng Semana Santa.

“Kahit may mga bagong mga miyembro ang nadadagdag kada taon, naisasakatuparan naman nila ang mga karakter na naibibigay sa kanila at suportado sila ng bawat miyembro ng grupo.

May bayad ba yung manonood dyan? “May mga shows po na may bayad at may shows po na free,” tugon niya.

Dagdag pa ni Junar, “Tulad po noong nag-show kami sa CCP, mayroon pong bayad doon ang manonood. Pero kapag sa mga open field po ginaganap, libre lang po siya, Gaya ng mga itinanghal namin noon sa Tarlac, sa Kartilya ng Katipunan sa Maynila, sa Luneta, at siyempre po sa Plaza Hugo sa Sta Ana.”

Ano ang pinaka-memorable sa lahat ng taon niya sa Senakulong ito?

“Sa akin, ang pinaka-memorable siyempre ay yung unang pagsabak ko sa stage play na ito. Personal akong inimbitahan ni direk Lou Veloso kung gusto kong sumali at tinanggap ko naman, para maranasan ko naman ang umarte sa entablado at matutunan ang disiplina ng isang stage actor,” wika niya.

May instance ba na umulan sa isang open air performance nila?

“Nakaranas kami-natatandaan ko noong time na nagkaroon ng show sa Intramuros sa harap ng Manila Cathedral, hindi ako kasama sa show noon dahil yung alternate ko ang kasama noong time na ‘yun. Pero nandoon ako, bale patapos na ang show noon at nakapako na si Hesus na ginampanan ni Migui Moreno, nang biglang bumuhos ang malakas na ulan… hindi na natapos ang palabas.”

Nabanggit din ni Junar na proud siyang maging theater actor dahil ibang klaseng experience ito para sa kanya.

“Pang-nine years ko na ito bilang kasama sa grupo ng Tanghalang Sta. Ana at sa Martir Sa Golgota, pero eto ang 35th year ng pagtatangahal ng Martir Sa Golgota.

“Sa industriya kasi ng showbiz, nakikita kong mataas ang pagtingin sa mga aktor na galing sa entablado.”

Ipinahayag din ni Junar ang natutunan niya sa pagiging bahagi ng Martir Sa Golgota.

Sambit niya, “In my nine years po sa Martir Sa Golgota, natutunan ko pong malaman in details ang naging buhay ng ating Panginoon… kung paano o ano Siya bilang isang tao at ano rin Siya bilang naging Panginoon at Tagapagligtas nating lahat.”

About Nonie Nicasio

Check Also

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …

Winnie Cordero Amy Perez

Tita Winnie, Tyang Amy masaya, pressured sa balik-Teleradyo 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAGKAHALONG saya at lungkot ang naramdaman kapwa nina Winnie Cordero at Amy Perez sa …

Andrew Gan

Andrew Gan kinakarir pag-arte sa stage play

RATED Rni Rommel Gonzales TULAD ng ibang guapo at bortang artista na nakakapanayam, tinanong namin …

Jasmine Curtis-Smith John Lloyd Cruz Dahlia Erwna Heussaff Anne Curtis

Jasmine aminadong naiinggit kay Anne na mayroon ng Dahlia

RATED Rni Rommel Gonzales NAITANONG kay Jasmine Curtis-Smith kung ano ang reaksiyon ng boyfriend niyang si Jeff Ortega sa …